CHAPTER 49: FIERA

208 9 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Abala lahat ang mga estudyante sa kani-kanilang booth dahil sa Fiera di Leonardo Da Vinci (Leonardo Da Vinci's Festival) na ginaganap taon-taon. May kanya-kanyang pakulo, may mga tents ng pagkain, damit, palaro at iba pa. Punong-puno ng tao ang unibersidad dahil welcome din pati mga outsiders. Nagmistulang Amusement Park ang LDVU dahil mayroon ding mga rides na ginawa.

May nagaganap na kasal sa Marriage Booth at ang kinakasal ay sina Layden at Deeja. May nakakulong din sa Jail Booth na si Liya habang hinihintay si Owen na bayaran ang kanyang pyansa. Sina Mitch at Jeff na sapilitang nagkiss sa Kissing Booth dahil nahuli sila ng watcher ng nasabing booth. Si Zai at Ian naman na nasa Truth or Dare booth kung saan kanina pa nakakatanggap ng kurot at tapik si Ian dahil puro dare ang sinasabi ni Zai. Sina Cloyd at Gael na pumipila sa Ferris Wheel. Sina Clei at Ken naman na kanina pa nagbabangayan sa Shooting Range dahil nagpapadamihan sila ng panalo. At si Vexia naman na tahimik na nakaupo lang sa bench habang pinagmamasdan niya ang KG6 sa kanilang ginagawa.

Madami na talagang nagbago at pati takbo ng utak ng pinsan ko ay nagbago. Kung anu-anong kaekekan ang naiisip niya para gawing Amusement Park ang buong eskwelahan sabi niya sa kanyang isip.

Sabagay mabuti na rin ito para naman hindi puro aral na lang ang ginagawa =_____=

Napukaw ang pagmumuni-muni niya nang may umupo sa tabi niya at binigyan siya ng cotton candy. Napalingon siya at nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle. Napangiti din siya dahil ang cute cute ng mukha niya. Hindi parin mawala sa isipan niyang mukha siyang aso. Inabot niya ang cottom candy at nagsimulang kainin ito.

"Taon-taon ginagawa ang fiera na ito" sabi ni Kyle. "Marami kasing activities dito kaya naman nalilibang kami ng kunte" dagdag niya.

"Ahhhhh. Sa dating school namin walang ganito" sabi niya.

"Oh? Bakit?" Manghang tanong ni Kyle.

"Hindi kami mahilig sa ganito, may mga extra activities naman kami pero hindi ganito" sagot ni Vexia.

"Eh anong activities niyo?" Tanong ulit ni Kyle.

"Judo, Taekwondo at Karate. In short, basagulera kami dati sa school namin" sagot niya.

"Ahhhhhh. Hahahaha. Kakatakot naman pala kayo. Pero kababae niyong tao ang badass niyo ah" natatawang sabi ni Kyle.

"Oh c'mon gangster" si Vexia habang nakangisi.

Hindi sumagot si Kyle at tumawa na lang siya. Pero hindi kalayuan ay nakikita ni Mikhail ang dalawa. Naiisip niyang mas gusto yata ni Vexia si Kyle kaysa sa kanya kaya naman nakabusangot na naman siya.

"Selos?" Tanong ni Samie sa kanya at kinawit ang kanyang braso.

"Tsk" si Mikhail at tinanggal ang braso ni Samie sa kanyang braso sabay talikod.

"Awwww baby M. Don't worry nandito naman ako eh" malanding sabi ni Samie at sumama kay Mikhail. "Halika, pagselosin naman natin sila ngayon" nakangising sabi niya.

Hinila ni Samie si Mikhail papuntang gitna kung saan nakatayo ang Marriage Booth. Tiyak makikita talaga ni Vexia ang kasal nila ni Mikhail.

"Dalian niyo at susunod kami!" Sigaw ni Samie sa pekeng pari na may kinakasal. Dahil sa takot sa mafia princess bigla nama niya itong binilisan at agad ding umalis ang kinasal.

Hindi na nagpalit damit ang dalawa, basta na lang hinila ni Samie ang kamay ni Mikhail papuntang altar at sinenyasan niya ang pari na umpisahan ito. Pasimpleng sumulyap si Mikhail sa gawi nila Vexia ngunit parang may sariling mundo naman ang dalawa. Malakas ang kanilang tawanan at hindi iniintindi ang nakapaligid sa kanila.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon