CHAPTER 43: POISON

265 9 3
                                    

ZAI'S POV

Nakarating na pala ang apat. Sinundo ng team LeiKen ang team MikXia kung saang lupalop man sila galing. Baka nawala ang dalawa kaya hindi na sila nakauwi kagabi.

Kasalukuyang nagswiswimming at nagbabarbeque kami dito sa garden habang kanina pa ako kinukulit ni Ian na tikman ko daw ang iniihaw niya. Proud pa siya dahil ako pa lang daw ang pinagluto, scratch that, pinagihaw niya ng BBQ. Ang adik!

"Juliet ko tikman mo" sabi sa akin ni Ian at sinubuan niya ako ng barbeque.

Tinikman ko naman ito. "Masarap" komento ko habang ngumunguya.

"Ang galing ko no?" May pagmamalaking sabi niya.

Tumango lang ako at pinili kong huwag siyang barahin dahil magdradrama na naman siya.

"Ito pa oh. Say ahhhh" sabi niya at sinubuan ulit niya ako.

Sinubo ko naman ngunit parang ang anghang? Nginuya ko pa ito hanggang maramdaman kong nag iinit na ang aking lalamunan. Agad nanlaki ang mga mata ko at pinapaypayan ko ang aking bibig gamit ang aking kamay.

"Bakit? Hindi masarap?" Tanong niya sa akin.

"Anghang! Maanghang!" Naluluhang sabi ko dahil sa sobrang anghang.

"Ah! Eh!" Sabi niya at napatingin siya sa sauce na nilagay niya. Nagpeace sign siya sa akin at ngumiti ng matamis.

"Aanuhin ko yang ngiti mo? Tubig!!!" Sigaw ko at agad naman siyang tumalima. Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman agad ito.

Nakailang lagok ako ng tubig hanggang naubos na ito ngunit gusto ko pa dahil hindi maalis ang anghang sa aking bibig.

"Sorry Juliet, mali ang nilagay kong sauce" nakapout na sabi niya sa akin.

"Tse!" Sabi ko sabay irap. "Papatayin mo ba ako?" Pagtataray ko.

"Papatayin ko ba ang taong dahilan ng paghinga ko?" Sagot niya.

"Oo na! Adik!" Sabi ko pero shet! Kenekeleg eke. Kekekekekekeke O(≧∇≦)O

"Gusto ko pa" dagdag ko.

"Eh. Teka. Wala na eh. Kuha lang ako sa ref" sabi niya at tinalikuran niya ako.

Dahil hindi parin mawala ang anghang sa aking bibig ay ginala ko ang aking paningin. May nakita akong pineapple juice. Binuksan ko ito at nagsalin sa baso. Ngunit bakit mapula ang juice? Di ba pineapple eh di ba dapat ay yellow?

Binalewala ko ang kulay ng juice at nilagok ko ito, pagkatapos ay nagsalin ulit ako at ininom. May kakaibang lasa ang juice ngunit hindi ko ito pinansin. Nang mapagtanto kong medyo mapait ang juice ay kinuha ko ang tetra pack at binasa ang expiration date.

Matagal pa ah pero bakit mapait? Ano 'to? Kape?!

Wala pang ilang segundo nang maramdaman kong medyo nahihilo ako. Kumapit ako sa lamesa at ipinikit ang aking mga mata.

Ano ba iyan! May alak ba ang juice?

Minasahe ko ang aking sentido at huminga ng malalim. Minulat ko ulit ang aking mga mata at ginala ang aking paningin sa paligid. May kanya-kanya silang ginagawa. May naliligo, nagseselfie at kumakain. Yumuko ako dahil hindi lang ako nahihilo kundi sumasakit na rin ang aking ulo. Habang nakayuko ay napaubo ako at parang sumasakit ang aking dibdib.

Mukhang may sumabit pang BBQ sa aking lalamunan. Enebeyen!

May kung anong lumalabas sa aking bibig kaya napahawak ako dito.

Mukhang masusuka pa yata ako neto. Bweset!

Tinignan ko kung anong nasa bibig ko at nagulat ako dahil dugo pala ito.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon