CHAPTER 73: CONSPIRACY

204 10 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

An hour before the mission...

Inaayos na nilang lahat ang kanilang kakailanganin at nilalagay na nila sa kotse. Binigyan narin sila ni Gael ng tig-iisang micro wireless earpiece at mini microphone pin kung saan pwede silang mag-usap lahat.

"Feeling ko tuloy ako si James Bond" nakangiting komento ni Ken habang nilalagay ang pin sa kanyang kwelyo.

"Oh baka gusto mo pang magselfie tapos ipost mo sa facebook tas ang hashtag mo #JamesBondfeels" asar ni Clei sa kanya habang inaayos ang hunter knives sa kanyang hita.

"Banatan mo pa ako at hahalikan kita" nakangiting banta ni Ken.

"Shhhhhh!" Saway sa kanila ni Gael. "Don't forget to wear this" dagdag niya at binigyan niya ang Guardians ng manipis na vest.

"What's this for?" Tanong ni Jeff at sinuot.

"It's a bullet proof vest. We always wear this in every mission" sagot niya.

"Eh mukhang di naman bullet proof ah! Tapos ang bigat pa! Ano 'to? Dumbbells?" Si Layden at binuhat-buhat ang vest.

Hindi sumagot si Gael bagkus kinasa niya ang kanyang baril at pinaulanan ng putok si Jeff. Na-out of balance siya at nakahandusay sa sahig. Halos lumuwa naman ang mga mata ng Guardians sa nasaksihan dahil hindi nila ito inaasahan.

"Waaaaaaaaaaaa!!!! Patay na ako!!! Patay na ako!!!" Histerikal na sigaw ni Jeff.

"I told you. It's a bullet proof vest" si Gael habang nakangisi kay Mitch na nakataas kilay lang.

"Lastly, these are mini bombs. Mitch and I invented them yesterday" si Gael ulit at pinakita sa kanila ang tatlong holen. Transparent ito na may pulang tuldok sa gitna.

"Weeeeeeeh?!?!?" Di makapaniwalang bulalas ni Layden.

Biglang binato ni Mitch ang holen sa bintana at may biglang sumabog sa labas. Halos marindi na sila sa lakas ng pagsabog.

"Mini bombs? You call them mini bombs? Those are not mini bombs!" Eksaheradong komento ni Ken. Habang ang ibang Guardians naman ay na-amused sa kakayahan ng dalawang dalaga.

Ngayon, masasabi nilang handa na silang lahat para sa mission.

"Goodluck to all of you. This would be our first and last mission together" ani ni Vexia. "And don't die" dagdag niya at nagpatiuna na siyang lumabas ng bahay.

Sumunod naman sa kanya si Mikhail at naiwang nagdra-drama ang mga tao sa loob.

"I'll keep you alive" bulong ni Mikhail sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. "I know, it's stupid to say this but I'll try my best to protect you" dagdag niya. Napatingin lang si Vexia sa kanya at walang katagang lumabas sa kanyang bibig bagkus napangiti siya dahil napakasinsero nito.

No, I will be the one to protect you. Sa isip ni Vexia.

************

CLOYD AND GAEL

"How did you know na pupunta sila dito?" Takang tanong ni Cloyd.

Nasa banyo sila ng isang gasoline station at hinihintay ang Domingo sisters.

"This is the only gasoline station after their house and they will look for a restroom"kampanteng sagot niya.

"And why would they look for a restroom?" Tanong ulit ni Cloyd.

"Trust me" nakangiting sagot ulit ni Gael.

Naghintay pa sila ng ilang minuto hanggang may narinig silang marahas na pagbukas at pagsara ng pinto.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon