♡—THIS CHAPTER CONTAINS DEPICTION OF VIOLENCE THAT MAY BE UPSETTING FOR SOME READERS
—♡
DEXIE'S POV
Matalim ang mga tingin ko sa mga nakakasalamuha ko. Hindi ko pwedeng basta basta na lang baliwalain ang mga nangyayare.
Ang ganda ng suot ko ngayong gabi tapos ganto na lang ang mangyayare?! Nasaan ang hustisya at nag paganda pa ako ng bongga?!
Bumuntong hininga akong nagkasa ng baril. Sunod sunod ko na pinaputukan ang mga taong armado at hindi ko kilala na mukha namang kalaban dahil sa mga dala nilang armas.
Sanay na ako dito. Sanay na sanay na sa kinalakihan kong pamamatay ng mga rebelde at nasa ibang puder na kalaban.
Akala ko pa naman makakapag enjoy ako dahil pinakilala na si Leigh pero hindi pala ganun— at alam kong mangyayare talaga ang ganito.
Nakakainis!
Liningon ko kung saan ako nanggaling kanina. Nakita ko pa sina Ford, Garrett at Laxmi. Hindi man ganun katagal ang pag uusap namin pero mas naliwanagan na ako sa nangyayare.
Kitang kita ko sa kanya na nasasaktan siya sa ginagawa niya. Kitang kita ko sa kanya na hindi niya kami kayang traydurin. Hindi basta ganun ganun na lang 'yun.
Mukhang inutusan siya ni Queen na gawin 'yun.
Umiling ako. Hindi ko pwedeng paghinalaan na lang ng ganun ang kaibigan ko. Ni kailan ay hindi sumagi sa'kin na magta traydor ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan— at hindi talaga mangyayare 'yun dahil may relasyon si Laxmi sa isa sa mga kasamahan ko, at ano na lang ang sasabihin at iisipin ni Garrett— fuckshit!
Nakipag break na si Garrett!
Bumuntong hininga ako dahil sa naiisip ko at umakyat pa ng ilang hakbang para tuluyan ng makapunta sa first floor. Bahala na si Fort sa mga nangyayare sa ibaba at ganun din ang iba.
Hindi pa man ako tuluyang nakararating sa baitang na gusto ko ay may nahagip na ang paningin ko. Isang civilian— ata?
"Oi..." tawag ko ng mapansin ang isang babaeng naglalakad ng diretso sa isang hallway. Mukhang pupunta pa siya sa second floor. "Oi, kailangan mong dumaan sa fire exit, andun ang ibang mga civilian, kailangan mong pumunta doon." usal ko at mabilis na naglakad, susundan siya.
Mukhang pahahabulin pa ako ng isang 'to!
"May natitira pang civilian?"
"You need to evacuate that now, Viola."
Pinalobo ko ang pisngi ko at malalim na bumuntong hininga. Alam ko namang makikisabat sila, pero, haler, may kaniya kaniya na kaming ginagawa, hindi ko na kailangan ang sermon at ingay nila mula sa device na nasa tangina ko.
Mind your own business frennysis.
"Excuse me, Miss?" saad ko at hinawakan ang balikat niya ng maabutan ko siya.