MT 17

3.7K 81 0
                                        

Karaleigh's POV

Day passed nga naman. At ngayon kailan kong gumising ng umaga. Why? Kailangan kong pumunta ng mini store para sa pagkain, at syempre bukas na party ng mga Stone. Yiee!

Tinignan ko ang orasan at 3 AM na, naglakad na ako papunta sa walk in closet ko at kumuha ng mga susuotin. Sabay nun ay naglakad na ako papasok sa banyo, at ginawa ang daily routine ko ang pagligo... pagsipilyo at iba pa.

Nang matapos ako ay lumabas na akong nakabihis. Sinuot ko ang glass ko at inayos ang buhok, hindi ko na rin pala sinuot ang brace ko, baka kasi masanay ako don.

Lumabas na ako sa kwarto ko habang kumpleto ang mga dala ko. Wallet and cellphone.

Nang makababa ako ay dumiretso na ako sa labas. "Ang lamig. Grr." sabi ko habang yinayakap ang sarili. Grabe ang lamig talaga pag madaling araw! "Jogging! Jogging!" mahinang asik ko at nag jogging na lang. Pasalamat na lang talaga ako dahil nasa loob lang siya ng Village ang mini shop dito. Parang KAS Villa lang. Pfft.

Jogging lang ako ng jogging hanggang sa makarating ako ng mini shop. 24/7 open ha.

"Good morning Ma'am." bati ni Manong guard at pinagbuksan ako ng pintuan.

Ngumiti ako doon. "Good morning din ho." pabalik na pagbati ko at kumuha ng cart.

Nagpunta ako sa kada station ng mga kailangan kong bilhin, at marami rami rin talaga. Nang matapos ay pinila ko na iyon sa counter at good thing dahil unti pa lang ang tao.

"1,432.58 pesos po Ma'am." sabi ng cashier sa'kin.

Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet at kumuha ng one thousand five hundred. "This." abot ko sa bayad ko.

Inopen niya ang kaha at kumuha ng maisusukli sa'kin. "67.42 pesos po ang change." sabi niya at kinuha ko iyon.

Lumabas na ako habang tulak tulak ang cart at nagpatawag ng tricycle.













Nang makarating ako sa bahay at dumiretso ako ng kusina at inayos ang mga pinamili ko. "Can foods," sabi ko habang hinanahanap sa plastik ang can foods. "And last." sabi ko at nilabas lahat. And now para naman ilagay sa cabinet.

Nang finally ay natapos ko ay uminom ako ng hot choco at pumuntang salas. "Nakaka pagod." bulong ko. "Dito na lang muna ako matutulog." sabi ko at tinignan ang oras. 4:15 AM na. "Idlip lang." sabi ko at humiga sa couch.










"Waaaaahhhhhh!" napa bangon ako mula sa pagkakahiga sa couch ng salas. "Oh my g! Oh my g!" sigaw na naman.

Tumingin ako sa taas at nakita ko si Laxmi na pumasok sa kwarto ni Dexie. "Psh, ka aga aga ang ingay!" bulyaw ko dahil sa nakaka inis na ingay ni Dexie. Tumayo ako at nag unat.

Ano na naman kayang problema nun?

Naglakad na ako at nagtungo sa kwarto niya. "Ano na naman ba yan at—" natigilan ako sa pagpasok dahil may tumambad sa'kin. "Nice." nasabi ko na lang at nilagpasan iyon. Hinarap ko si Dexie na prenteng naka upo sa kama niya. "Ang ingay mo." singhal ko.

Naglakad palapit si Laxmi sa aso... asong patay. "Parang hindi ka naman nakakita ng ganto dati ah," sabat niya at natawa. "Kung dati pusa ngayon aso. Ano na naman sa susunod? Daga? Manok? Hahahahaha. Nakakatawa sila." singhal niya pa.

Napailing na lang ako. "Yeah. Sana naman 'yong mga mamahalin ang ibigay nila." sabi ko at ngumiti.

Sinilip ko si Dexie na nakatulala lang sa aso, sa sahig ng kwarto niya. "Paano kaya nakapasok 'yan?" nakatulalang tanong niya.

Napailing ako. "Naglakad? Tumakbo?" asar ko. "Syempre may pumasok d'yan. At alam ko kung sino." sagot ko dahil sila lang naman ang nakakapasok dito na walang na aalarma sa bahay.

Tumayo ako at tumawag sa teleponong nasa pader at nag dial. ["Did you see my surprise?"] natatawang tanong niya.

"Damn you! Live in hell!" bulyaw ni Dexie. Okay. Galit siya. "I'm nervous, stupid!" sigaw na naman niya.

Tumawa ang nasa kabilang linya. ["Hahahaha. Don't be nervous my dear, lalo akong nagaganahang takutin ka eh. Hahahaha"] sabat pa ng kausap ko.

Ngumiti ako ng palihim. "Is this your death threat?" natatawang tanong ko.

["Hahahaha. Are you scared?"] sagot naman ng isa pang tao sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim. "Stop this crap. Hindi nakakatuwa, gusto mo ikaw ang maglinis ng nilagay mo dito?" banta ko. At narinig ko na lang ay ang pagbaba ng linya.

Takot!

"Magbibigay na nga lang ng ganto," ani ni Laxmi at tinignan ulit ang aso. "May palatandaan pa. Hanep." asik niya.

Umupo ako at tumingin sa aso. May dugo sa ulo at for sure pinukpok yan. Buti na lang talaga hindi nila nilabas ang lamang loob. "Linisin mo na 'to Dexie." ani ko at tumayo na.

"Hala! Bakit ako? Ayoko!" maktol naman niya.

Nagkibit balikat ako at tumunghay sa may bintana. "Bahala ka, mamamaho 'yan dito, at for sure babaho din 'tong kwarto mo." sabat ko.

Rinig kong pamaktol siyang tumayo. "Holy shit! Pagsisisihan nila 'to!" sigaw niya. "Tatadtarin ko sila ng bugbog arggh!" sigaw na naman niya. Napaka ingay!

Lumabas na ako at tinignan ang wall clock sa hallway. 5:30 AM, naka isang oras rin pala ako ng tulog. Kailangan ko ng magluto.










Someone's POV

"Hi! Morning." bati nila sa'kin.

Lumingon ako, wala ang asawa ko. Tss. Nasa company na naman. "Good morning." bati ko sa kanila, "Kumain na kayo ng breakfast?" I asked.

Ngumiti sila sa'kin. "Sabay sabay na daw tayo sabi ni Dad." malambing na sabi ng anak ko. Ow I thought nasa company na siya.

Napangiti ako. "Okay, mag aayos lang ako," sabi ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama naming mag asawa. "Go down and wait for me there." sabi ko at ginawa naman nila.

When I finished my morning rituals, hahaha. Routine, ay lumabas na ako at ginamit ang elevator.









"Good morning Ma'am." sabay sabay na bati nila.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad at ng makita ko sila sa dining area ay napangiti ako. "Good morning." nakangiting bati ko.

Tumingin sila sa'kin. "Good morning too." bati nila.

"Okay, so that your Mom's here... let's eat." sabat ng asawa ko.






Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita siya. "Paano ang event bukas?" tanong niya.

Tinignan ko ang asawa ko. "The event is still going." sagot ng asawa ko.

Napangiti ako. "Makiki-go with the flow lang kami sa kanila, and then mangyayare ang mangyayare." nakangiting sabat ko.

Tinignan nila ako. "So, I guess hindi kami kasama." maktol nila.

Napasimangot ako. "Ayokong madamay kayo." sagot ko.

Nagtuloy lang sila sa pagkain. "Okay sabi niyo eh." sabay na sabat ng dalawa.

Kailangan namin kayong protektahan, dahil pag nakita nila kayo, baka pagdiskitahan pa kayo.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon