MT 41

1.7K 38 0
                                    

Jannick's POV

Pinagmasdan ko si Jaquela na ngayon ay naglalaro dito sa park ng Villa. "Hindi ba sumasakit ang paningin mo d'yan Nick?" napalingon ako sa nagsalita. "Kanina pa ikot ng ikot si Jaquela at kanina pa din paikot ikot ang paningin mo." saad pa niya.

Umupo ako sa isang bench. "Kung 'yang bata lang naman pala, malamang hindi ako magsasawa." sabat ko habang pinagmamasdan si Jaquela na umiikot sa isang puno.

"Talagang napakalupit mo!" bulyaw naman nilang dalawa.

Inis akong binalingan sila ng tingin. "Kayo? Bakit ba kayo laging nakadikit sa'kin?!" inis na tanong ko sa kanila.

Tangna! Ilang araw na kaming magkakasama ng mga 'to, pati ba naman weekend? Damn!

"Syempre kambal tayo eh!"

"Kasi nga gwapo tayo!" bulyaw na naman nila!

"Gago! Umalis na nga kayo!" sigaw ko sa kanila.

"High blood naman 'to!"

"Hay nako! Lika Clift laro na lang tayo ng basketball."

Napangisi ako sa inisip ni Kraven. " 'Yan dyan na lang kayo!" bulyaw ko ulit na ginawa rin nila.

"Bantayan mo si Jaquela baka mawala sa paningin mo." tumatayong usal ni Kraven.

Tumango ako at tumingin sa bata. Nagpapaikot ikot pa rin siya.

Hindi ba siya napapagod?!

Bumuntong hininga akong pinagmasdan na lang ulit siya.  'Yang mga ngiting 'yan! Nakakamiss!

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at sinagot ang tumawag. "Sino 'to?" tanong ko ng makitang unknown number.

["..."] inantay ko siyang magsalita pero wala pa rin.

"Don't disturb me! Damn you!" sigaw ko sa kabilang linya!

Ako pa ang napagtripan!

Tinapat ko na ang mga daliri ko sa end call ng may magsalita. ["Hmmm..."] Dali kong nilagay iyon sa tapat ng tenga ko. ["Ganyan ka pala bumati."] napatingin ako sa paligid! 'Yang boses na 'to! Ang matagal ko ng hindi nakikita!

"Le-le—"

["Don't call me Leigh... We're not friends."] seryosong ani niya sa kabilang linya.

Tinignan ko ulit si Jaquela pero na wala siya! Tumayo ako. "Fine, Karaleigh. Paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko at inikot ang paningin sa park. Wala siya! Shit!

["Connection."] sagot niya.

Naglakad ako at tinignan ang bata kung saan siya naglalaro kanina. May nakita naman akong babae. "Miss, may nakita ba kayong bata kanina na naglalaro?" tanong ko.

["Sino 'yang—"]

"Damn wait lang." putol ko kay Karaleigh. "Miss meron ba?" naghehestorikal na tanong ko.

Todo iling naman ang babae. "Wa-wa—"

"O-okay." sagot ko rito at nag iba ng lugar!

Saan na naman ba nagpunta 'yon?

"Nick?" napatigil ako sa nagsalita. "Oh my gosh! Ikaw nga!" sigaw niya.

Fuck bakit ngayon pa?!

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon