MT 64

822 14 0
                                    

| JANNICK'S POV |

Pansin ko ang pananahimik ng paligid namin. Bakit? Kinakabahan ba sila dahil malapit na ang pagpapakilala ng pamilyang Stone ang anak nila? Pansin ko pa na ang mga security ay unti unti ng nag aayos. Mukhang parating na nga sila.

"Dre, sandale. Naiwan ko ang cellphone ko." nilingon ko si Clifton ng sabihin niya 'yun.

Cellphone? Kingina naman.

"Oy! Lalabas ka? Ako din Clift, naiwan ko 'yung atm card ko, putik." asik din ni Kraven.

Fuck!

Inis kong tinignan sila. Anong sinasabi ng mga 'to?

"Mga gago kayo? Pahiramin na lang kita ng pera Kraven." sabat ko na lang.

Ayokong maiwan sa tatlong babaeng 'to, sabihin pang parang mga tigre kung mag tinginan sila. Nakakagago. Parang feeling ko nagpapatayan na sila.

"Hindi pwede dre, nakakahiya kay Rain. May gagawin pa kami mamaya eh." natatawa niyang bulong sa'min.

Damn this you idiot!

"Gago ka. Marinig ka ng partner mo timang." sumabat pa niya.

"Dre, ano sama ka na lang ba sa'min o hindi?" tanong sa'kin ni Clifton.

Bumuntong hininga ako. 'Yung tatlong kasama namin ay busy ang tingin sa screen na pinakikita. Kingina talaga.

Napapikit ako at nagtipa sa cellphone. Tinext ko si Mom at pinapapunta sa table namin. Baka kung ano ang mangyare sa tatlong 'to.

Mas okay na rin kung may matanda sa kanila.

"Dre, ano?" tanong ni Clifton sa'kin dahilan para inis kong siyang tignan.

"Bakit ba nagmamadali ka dre, sandale. Tinext ko si Mom para pumunta dito sa table naten."

Natawa si Kraven sa sinabi ko kaya siya naman ang tinignan ko. Putangina.

"Dre, ginawa mo namang bata ang mga partner naten? Hindi sila mag aaway, h'wag kang mag alala, malalaki na sila. Magkakahiyaan 'yang gumawa ng mali—lalo na sa mataong lugar." anas niya.

Tumayo ako dahilan para mapatingin ang mga kasamahan namin. "We'll go out. May bibilhin lang kami." anas ko at nagsimulang maglakad.

"Dito lang kayo aming ladies."

"Bibili lang kaming condom." malokong sabat ni Clifton.

"Gago ka, gusto mong putulin ko 'yan?" tanong naman ng partner niya.

Napailing ako. Kahit kelan talaga 'tong mga gagong 'to.

"Rain, babalik din kami. Don't worry."

"No need, do what you want."

Mabilis kaming nakapunta sa exit dahilan para mapatingin kami sa mga taong dumarating.

Pansin ko na isa isa na lang ang mga pumupunta dito. Nakita ko rin ang gagong lalaki na nadahilan ng pagkainis ko kay Jaquey.

"Ansama na naman ng tingin mo ke Sir Vizier."

"Easyhan mo lang dre."

Napailing lang ako. Hindi niya kasama si Jaquey? Akala ko ba ay susunod sila?

"Una na ako..." anas ni Clifton sabay takbo.

"Gago, nagmamadali." bulyaw ni Kraven. "Oh ano? Sama ka pa sa'kin o mag antay ka na lang dyan? Bili ka ng sigarilyo? May lighter ka naman d'yan eh." natatawa niyang sabat sa'kin.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon