Karaleigh's POV
Napasapo ako sa sarili kong noo habang nakatingin sa labas ng bahay.
Ano ba 'tong ginawa mo?! Leigh!
Sa dinami dami pa ng pwede niyong paglabanan. Bakit doon pa? Bakit doon pa sa eskwelahan na 'yon? "Urgh!" anas ko.
May nakakita pa tuloy sa'min! Fishtea! Nakakainis! "Leigh," napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "Bali—"
Tumingin na lang ako sa view ng bahay, ng hindi niya ituloy ang sinasabi niya. "What?" tanong ko sa kanya. Sigurado akong itatanong niya ang nangyare kagabi.
"Aray!" sigaw ko ng maramdaman ang mainit sa braso ko. "Ano ba naman kas— Thanks." sabi ko ng iabot niya sa'kin ang kape.
"Hot choco 'yan," saad niya, nilagay ko ang kape sa upuan at tumungo. "Ano 'yang mata mo, nakagat ba ng ipis 'yan o umiyak ka?" tanong niya.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mula ng dumating ako dito puro palpak na lang nagagawa ko.
Napakahina para sa isang tulad ko.
Inis at dismayado akong tumayo. "Dito na ako." sabi ko at naglakad na.
Sunod sunod ang kulang na tulog ko. Kailangan ko ng mahaba at sobrang pahinga.
"Leigh," kapit sa balikat na tawag niya sa'kin kaya napahinto ako. "Patay na sila." napamaang ako sa sinabi niya.
Lumingon ako ng kaunti sa kanya, at tumingin ulit sa harap at naglakad. "Nararapat lang sa kanila 'yan." galit na singhal ko at lumabas na ng pinto.
"Grabe! 'Yung kape mo!" sigaw niya sa loob.
Nararapat lang sa kanilang mamatay!
Sinuot ko ang jacket ko na nakasabit lang sa upuan. "Sa'yo na 'yan!" sigaw ko.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa kwarto ko at ng makapasok ako ay ni lock ko ang pinto. Kasabay nun ay ang paghiga ko sa malambot kong kama.
• Flashback •
Dala ko na ang bag ko at palabas na sana kami ng room ng tawagin kami ng teacher namin. "Bakit po?" tanong ni Laxmi. Sumunod naman ako sa kanila.
"Boys come here..." napatingin ako sa tinawag ni Ma'am. "Girls gusto kong turuan niyo ang mga lalaking 'to sa mga nagawa niyong project."
Kumunot ang noo ko doon. "Ma'am kahit ibagsak niyo kami 'wag lang sila ang magturo sa'min." protesta ni Clifton.
"No! Ayokong may bumabagsak sa klase ko kaya habang maaga pa ay mag paturo na kayo sa kanila." utos ni Ma'am at dinala ang gamit niya.
"Tss." singhal nila.
"Ma'am kailan ang pasahan?" tanong ni Dexie.
Napalingon sa'min ang teacher namin sa Filipino at tinunghayan kami. "Kailangan bukas mapasa na 'yan." asik ni Ma'am at lumabas na ng pinto.
"Bwisit!" sigaw ni Clifton.
Napag usapan namin na dito na lang gumawa ng project kuno ng tatlo at kung minamalas ka nga naman, nautusan pa kami ng isa pang teacher na mag linis sa faculty ng mga History teacher. "Aish!" anas ko. "Bakit kasi napaka kalat ng mga teacher dito." bulong ko dahil baka may makarinig sa'kin.
Inis kong pinunasan at pinatong ang mga libro. "Di hamak na iba sa kanila si Mrs. Angus." sabat ko pa.
Tss. Si Mrs. Angus na History teacher namin ay ayaw na may kalat sa bawat classroom, pero dito? Lels.
![](https://img.wattpad.com/cover/87400930-288-k94704.jpg)