Jannick's POV
Kumunot ang noo ko sa pinasukan naming lugar. Nasa isa kaming kagubatan, maraming puno!
Inis kong nilingon ang dalawang nerd. "Pinagloloko niyo ba kami?" tanong ko dahil wala naman kaming makitang bahay.
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad. "What do you think?" mapang asar na tanong ni Dexie, at nakakapang init ng ulo!
"De puta! Edi sana hindi na lan—" inis akong tumingin kung saan nang gagaling ang isang ingay!
"Ang laki naman ata naming tanga ng kaibigan ko kung sumama kami dito para lang ligawin kayo." natatawang usad ni Dexie.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Tangina! Ilang oras na tayong naglakakad pero wala pa rin!" asik ko.
Nakita ko siyang ngumisi! At nilabas ang cellphone, may pinakita siya sa'min. Isang button. "Click it." ani nito.
Inis na napatingala ako sa langit. Pero parang iba! Makulimlim! Keysa kanina!
"Ako na lang!" sigaw ni Clifton.
Binababa ko ang paningin ko at hindi na nag alinlangan pang pindutin iyon. "Welcome to secret hideout." biglang may nagsalita.
"Gumagalaw ang lupa!" sigaw ni Kraven.
"Anong nangyayare?!" bulyaw ni Clifton.
Lumingon ako sa dalawanag babae na nakatingin lang sa kalangita— dumilim bigla!
"Welcome, visitors..." may nagsalita!
Ang dilim! "Asan kayo?!" anas ni Kraven.
"Oy!" bulyaw na naman nila.
Nakatigil lang ako sa isang tabi at nangangapa ng— biglang bumukas ang ilaw!
May nakita akong tatlong babaeng nakatingin na sa'min!
Sila Karaleigh.
Pinagmasdan ko ang babaeng 'yon, habang nasa iba ang paningin.
"Masyadong tulala pre." nabalik ako sa ulirat ng tapikin ako ni Clifton.
Mga naka upo sila sa magandang upuan.
"Hi visitors..." kunot noo akong tumingin sa bumati.
"Wow..."
"Tangina."
Tinignan ko ang mga iyon, maraming mga kalalakihan at kababaihan.
"Hindi ba kayo lalapit dito?" tanong ng naka upo. Si Dexie.
Napalakad kami ng wala sa oras ng may nag alalay sa'min. "Dito ho tayo..." asik ng lalaki.
"Tsk. Marunong kaming maglakad." anas ko dito.
"Anak ng—" napasipa ako ng wala sa oras sa upuan na kinauupuan ko. Masama ko silang tinignan. "May mga kamay kami, okay?" galit na sabat ko.
Tangina! Sinusubuan ba naman kami ng pagkain eh may kamay naman kami!
"Hahahaha... Okay na nga pre eh." nakangiting saad ni Clifton.
" 'Wag mo kong igaya sa'yo!" anas ko rito.
Tatlo lang kaming nakaupo sa mahabang kainan na may mga nakatayo sa gilid namin. Pakainin ba naman kami ng tatlo nerd na 'yon.
"Ang lupet ng hideout nila mga pre." bulong ni Kraven sa amin.
"Ano ba! 'Wag niyo akong pagsilbihan!" asik ko sa dalawang babae dahil pilit nila akong pinapakain. "Ayokong kumain!" sigaw ko pa rito.
