MT 1

18.7K 220 21
                                        

Jannick's POV

Andito kami sa bahay kasama ng mga ugok na'to. Bonding daw kung baga. Puta! Ano kami babae lang? Ang alam ko don mahilig ang mga babae. Ang mag bonding kasama ang mga kaibigan nila.

"Nick pa abot naman ng popcorn!" Bullshit. Inutusan pa ako. Binigyan ko lang siya ng masamang tingin.

Tsk.

"Hehehe! Sabi ko nga. Hoy! Kraven pa abot nga!" utos naman ni Clifton kay Kraven.

Lumingon si Kraven. "Yawa Clint! Manahimik ka! Ikaw kumuha may paa ka." reklamo rin ni Kraven.

Tinignan ko lang ang dalawa at bumaling ulit ako sa nilalaro ko. "Can you shut your mouth?" mahinahon na sabi ko pero nagbabadya.

Nice.

"Kraven pa abot naman kasi." halos pabulong na sabi ni Clifton. The playboy one.

Kumilos naman si Kraven, at kinuha ang popcorn. "Do you want?" tanong ni Kraven.

Nakita kong ngumiti si Clifton. "Of course, kanina pa." sagot niya at inabot kay Kraven pero nilayo niya.

"Lol! Kuhain mo." pang aasar ni Kraven kay Clifton at nilapag ulit ang popcorn sa center table.

"Bwisit ka Kraven." maktol ni Clifton. Hindi ko na sila tinignan pa. Ramdam ko naman na tumayo si Clifton.

"Tss." singhal niya at umupo ulit.

Ano pa kaya ang pwedeng gawin? Bawal naman kami sa bar dahil mga minor de edad pa lang kami. Pag sa mall naman? Arcade lang ang mapupuntahan namin at syempre more on basketball kami. Psh. Nakakasawa. Bakit ba kasi ang tagal ng pasukan?

"Hey." rinig ko sabay kalabit sa'kin.

Liningon ko iyon at kumunot ang noo ko. "What?"

"Nakaka bored na dito. Labas tayo." sabat ni Kraven.

Lalong kumunot ang noo ko. "Sino namang bastardong nag sabi na dumito kayo? Wala namang nag aya sa na pumunta kayo dito." tanong ko. Nakita ko naman na tumaas ang isa naming maid. Siguro pupuntahan 'yung batang yun.

Nasa living room kami dahil ayoko na may pumapasok sa kwarto ko, lalo na ang dal'wang 'to. "Eh kaya nga lalabas tayo" singit naman ni Clifton.

Liningon ko siya at panay ang subo niya ng popcorn. "Where?" walang ganang tanong ko at pinatong ang paa sa isa pang couch na maliit.

"Edi mang chicks tayo." sabat na naman ni Clifton.

Sinaman ko siya ng tingin. "Nagsalita na naman siya," singit ni Kraven. "Lang'ya ka ng nang chicks ta'yo pinahamak mo pa kami." paliwanag pa ni Kraven.

Yeah. I agree. Nung time na nag yaya si Ugok na mang chicks kami, muntikan na kaming mapa sabak sa gul—napasok sa gulo. Nanghahatak ba naman kasi bigla si Clifton na babae eh hindi naman niya kilala, at ang masama pa ay meron pala 'yun na boyfriend. Kung hindi rin baliw.

Tumayo si Clifton. "Promise na! Hindi na, magtatanong na ako. Hahahaha." sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay niya.

"Tss man—" hindi na natuloy ni Kraven ang sasabihin niya ng biglang nag ring ang telepono na naka kabit sa wall namin.

Nakita ko namang may tumakbo palapit doon. Si Manang. Tumahimik kaming tatlo baka kasi tumawag na siya. "Po?... A-andito ho." sabi ng kasambahay namin. Linayo niya sa kanya ang telepono at tinakpan ang speaker at bumaling sa'min. "Sir si Madam." pagkasabi niyang yun at tumakbo naman agad si Clifton.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon