Jannick's POV
Pinagmasdan ko ang dalawa. "Okay naman si Laxmi ah."
Nasa classroom kami ngayon at wala pa ang teacher namin habang pinagmamasdan ang dalawang nerd na masayang nagkukwentuhan.
Parang isang panaginip lang ang nangyare sa kanila kagabi. Hindi mo makikitaan na may pinapasan sila. Tsk.
"Pero nakakatakot pala 'tong mga nerd na'to."
"Oo sinabi mo pa! Magaling din pala sila humawak ng ganun."
"Ang astig pre!"
"Cool pre, cool."
Baril... Marunong silang humawak ng baril. Napaka lupit!
• Flashback •
Lumapit ako kay Karaleigh na umiiyak ngayon. "Kraven itago mo nga 'yan," turo ko sa baril na nasa lapag. "Karaleigh..." tawag ko sa kanya.
"Tapusin na natin ang dapat tapusin." ani niya at tumayo.
Tapusin ang ano?
Pinagmasdan ko lang ang gagawin niya.
"Wooaahh! Astig!"
"Patingin pre... Ay! Ang ganda!"
Napalingon ako sa dalawang lalaki, tinitignan ang baril. "Don't touch it." sabi niya sa dalawa at kinuha ang baril.
"Saan ka pupunta?" tanong ko rito.
Bakit ba ako nagaalala sa babaeng 'to?! Damn it!
Nakangiting tumingin siya sa'kin. "Isasauli ko lang," ani niya at naglakad. "Hiram lang namin 'to. Hindi pa kami pwede sa mga gantong bagay." saad niya pa habang nilalagay ang baril sa bag ni Dexie.
May saltik ata 'tong babaeng 'to! Umiiyak tapos tatawa.
"How is she?" tanong ni Karaleigh kay Dexie at nakipantay dito.
"She's fine... Hindi naman masyadong napuruhan, but still unconsious." paliwanag nito.
Pagmamasdan kita ngayon, at sisiguraduhin ko na kailangan sa susunod na mga araw ay makikilala kita ng lubusan.
"Good," sabi niya at umayos ng tayo. "Kayong tatlo..." ani niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong gagawin mo?" rinig kong asik ni Dexie.
Ano na naman ba 'to?
"Be prepare... Simula ngayong gabi iba na ang takbo ng buhay niyo."
Napakamot ako sa batok ko. "What are you talking about?" kunot noo kong tanong.
"Eh Karaleigh naglalakad lang naman kami, hindi naman kami laging tumat—"
"Stop the crap Clint." anas ni Karaleigh.
Clint? Paano niya nalaman 'yon?
"Paa—"
"I said stop the crap." saad ni Karaleigh at naglakad.
"Tsk. Mga lampa 'yan." anas ni Dexie.
"Lampa?! Sinong lampa?!"
"Kayo!"
"Hoy hindi kami lampa!"
"Edi duwag?"
"Lalong hindi!"