MT 44

1.6K 41 0
                                    

Vin's POV

Napanguso na lang ako habang pinagmamasdan si Nick.

I like him. At kahit ano gagawin ko para makuha siya! No I don't like him. I love him.

"Don't look at me." lalo akong napanguso ng sinita niya ako.

Bumuntong hininga ako. "Hanggang kailan ang camping niyo?" tanong ko.

Demmit! Kahit alam ko kung hanggang kailan sila ay naiinis ako. Hindi ko siya makikita in two days.

"Kanina ka pa dyan Vin ha, two days akong mawawala." sabi niya at kumuha ng mga canned foods.

Andito kami ngayon sa grocery store, bumibili ng mga kailangan nya for so called 'camping' nila at ngayon ang last naming pagbonding.

Bonding? Ilang araw na akong laging nakadikit kay Nick, hindi ko naman pinapansin kung maiinis ba siya sa'kin or what! Damn! Basta ang gusto ko ay makuha siya! Yun lang!

"I'm missing you right here, right now Nick." anas ko at sumunod sa kanya. Siya ang nagtutulak ngayon ng cart.

"Ang corny mo na ngayon Vin." ani niya habang tinitignan ang mga noodles.

"Tsk. As always." bulong ko.

Lagi naman akong corny para sa'yo.

"Kumuha ka ng gusto mo, libre kita." sabi niya at nagsimula na naman na magtulak.

Bumuntong hininga ako. "Ikaw ang gusto ko, mapagbibigyan mo ba ako?" tanong ko.

Kita ko siyang natigilan pero hindi ko na pinansin pa iyon. "Tsk. Shut up Vin." saad niya pa.

Lagi na lang gan'to! I hate it! Kung hindi na lang sana ako umalis!

Akala ko makakalimutan ng isang lalaki ang mga pahirap na ginawa ko, pero eto ata ang pinakamalaking mistake ang nagawa ko! Tanggap niya ang pag alis ko, pero bago man ako umalis ay niligawan niya ako. Two months din 'yon, two months din na hindi ko akalain na mahuhulog ako sa kanya. Pero biglang dumating ang ayaw ko sa lahat... Umalis ako, umalis ako ng bansa, at doon ako nag aral. Three years, three years ko siyang palihim na minahal, pero tinigil ko dahil hindi ko kaya. Ayoko ng malayo siya sa'kin, pero hindi ko akalain na tutuparin niya ang mga sinabi ko!

This is my life! Hinahabol ko ang lalaking dating naghabol sa'kin.

"Vin..." napalingon ako sa tumawag sa'kin.

Nasa malayo na siya sa'kin. Ganto ba ang naging epekto niya sa'kin? "H-huh?" tanong ko at tumakbo palapit sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman gumagalaw dyan." sabi niya at naglakad ulit.

Tumango ako. "Ow, I'm sorry." sagot ko rito.

"It's fine." sagot niya.














Pinagmasdan ko lang ang paglapit niya, may dala siyang pagkain. "Here." walang emosyong ani niya at nilapag iyon sa lamesa.

Napamaang ako sa nakita ko. "Woah. Alam mo pa rin ang favorites ko ha," nakangiting saad ko. "Thanks."

Umupo siya sa harap ko. "Madali lang namang kabisaduhin." maikling sagot niya sa'kin.

Napanguso ako. "Oo nga naman." sabi ko at tumingin sa pagkain nasa harap ko.

Madaling ime-morize, carbonara, beef steak with rice and soft drinks then pinoy foods.

Nagsimula akong kumain. Delicious, is the only word that I can say right now. Napansin kong hindi kumakain si Nick kaya tumaas ako ng tingin. Then I saw him, staring at me.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon