Jannick's POV
"Nice try! Once again..."
Inis kong tinignan ang baril na hawak ko.
Putangina mo 'tol! Makisama ka! Itagos mo sa target!
Kinasa ko ang baril at hinila ang trigger. "Fuck!" bulyaw ko ng hindi iyon natamaan! Ano ba kasing meron sa target na 'yan? Pwede naman sa ibang parte na lang ng katawan!
"Ulit pa po Sir..." sabi ng babaeng nagte-train sa'kin.
Inis akong naglarga ng bala sa magazine! Kanina pa ako nag papaputok ng baril dito! Pero the fuck! Hindi ko matamaan! Linagay ko ang sobrang mga bullet sa isang basket. "This is shit," inis kong baling sa babae na ngayon ay kunot noo akong tinignan. "Bakit?!" bulyaw ko.
Bumuntong hininga siya! "You need to do this Sir," baling niya at kumuha ng isang baril sa drawer! "To protect yourself," sinabi niya 'yon habang kinakasahan ng bala ang gagamitin niyang baril. "Kung hindi mo sasanayin ang sarili mo maari ka nilang mapatay." dire diretsong sabi niya!
Napalunok ako.
Mapatay?! Pinagsasabi nito?!Inis kong nilapag ang baril! "This is stupid!" bulyaw ko at umalis doon.
Dang it! Ano bang pinagsasabi nung babaeng 'yon?!
Naglakad ako at tinignan ang mga dapat na kasama ko! Si Clifton at Dexie ay nasa isang cage at may kalaban. Tsk! Kabaklaan naman ng lalaking 'yon! Iniba ko ang paningin ko at tinignan sila Kraven, nasa isang pwesto sila kung nasaan ang mga bagay ay nasa malayo sa kanila at hawak niya ang pana!
Archery.
Inis akong lumabas at hinarap ang elevator na may passcode, akala mo simpleng pintuan lang, pero isang elevator, binuksan ko rin ang passcode doon gamit ang pag slide. Alam ko naman ang password nito kaya hindi ko na kailangan pang tanungin ang iba. Dinikit ko ang daliri ko doon at pinindot ang mga numero. 78663.
Pumasok na ako doon at siya ring pagsara ng pintuan. Ramdam ko ang pagbaba nun at tumunog na rin. Lumabas ako dahil tumigil 'yon."Oh," asik ko ng makita ang nasa loob nito, wala ng mga baril na nakakalat dito at kahit sa mga dingding wala narin! "Damn it! Leigh!" asik ko.
Linagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ko! Tss. Cutting class. Diretso lang ako sa paglalakad ko at lumabas ng pinto. "Ano na naman 'to?" tanong ko, ng makita na naging simpleng arcade ito! '
Damn! This is mysterious!
Hindi na ako nag ikot ng mata dahil tutok lang ako sa pinto na unang pinasukan namin.
'Hindi ko masisigurong ligtas ka kapag umalis ka dito sa Training Room ng mag isa, kaya antayin mo ko.'
'Hindi ko masisigurong ligtas ka kapag umalis ka dito sa Training Room ng mag isa, kaya antayin mo ko.'
'Hindi ko masisigurong ligtas ka kapag umalis ka dito sa Training Room ng mag isa, kaya antayin mo ko.'
Inis akong pumikit! Nagpapaulit ulit 'yon sa utak ko! Naririnig ko siya... ang mga tinig na 'yon! Isinantabi ko iyon at naglakad na papalapit sa pinto, pipihitin ko na sana ang doorknob ng may marinig ako.
"Damn! You're acting stupid!" rinig kong bulyaw sa labas. Pinakinggan ko ang sinasabi niya. Boses lalaki!
Chismoso? Nah no way! Just a little bit. Tsk!
Dahan dahan akong sumandal sa pinto at itinaas ang isang paa pasandal sa likod ng pinto. "Paano pag nalaman nila 'to?!"
"Malaman na kung malaman!" napatigil ako sa boses na 'yon, ang babaeng 'yon.