MT 42

1.5K 34 0
                                    

Kraven's POV

Hinanap namin siya pero wala pa rin talaga! Saan ba kasi nag pupunta 'yong batang iyon? Tsk. Andoon pa naman si Vin sa bahay nila. Hayy... Pero okay na rin 'yon at magkaroon sila ng oras ni Nick.

Ho-hokage moves 'yon eh. Hahahahahaha!

"Nakita mo na?" nag aalalang tanong ni Clifton.

Umiling ako at tinignan ulit ang Villa. "Hindi pa." sagot ko rito.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. "Tsk. Magpatulong na kaya tayo." asik niya.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Ireport natin sa guard." anas ko na sinang ayunan niya.

Naglakad lang kami habang palibot libot ng tingin.

"He's so hot!"

"Ang pogi nila!"

"Player."

Napangisi na lang ako. "Pabaya kasi si Nick eh 'no." pailing iling na saad ko.

"Syempre na distruct ata kay Vin hahahaha." natatawang banat ni Clifton.

Pag tungkol talaga kay Vin, boto si Clifton. Tsk!










Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Manong guard nawawala yung bata." asik ko ng makalapit kami sa guard ng Villa na 'to.

"Ano ho 'yon Sir?" naguguluhang tanong niya habang nakatingin sa mga kotseng pumapasok sa Villa.

Bastos na kausap. Hindi naturuan ng manners. Hahaha.

"Tsk! Manong guard nawawala po 'yung bata ng mga Blade." seryosong anas ni Clifton.

Tumingin ako sa kabilang side ng daanan, sa mga lalabas ng sasakyan.

Napaka ano kasi ni Nick eh! Hayst. Kakasabe ko lang kanina!

"Sino ho si Jaquela?" tanong ng guard.

Kilala rin naman pal—

"Kraven!" napakunot ang noo ko ng makita ang kotse nila Nick!

Saan 'to pupunta? Nawawala na nga ang pamangkin—

Lalong kumunot ang noo ko ng makita kung sino ang tumawag. "Vin..." asik ko ng lumapit na ang kotse.

Kita kong kinausap niya ang driver nila Nick. At umikot ulit papasok ng Villa. "Sige ho, pakisabi na lang." napabaling ang atensyon ko kay Clifton, tapos na ang pakikipag usap niya sa guard.

Lumabas kami, at ayun inaantay na pala kami ni Vin. "Hey!" bulyaw ni Clifton.

Tumawid kami at doon namin nakita ng malapitan ulit si Vin. Napakaganda niya!

"Na amaze na naman kita sa ganda ko 'no?"

Napatingi— nasa harap ko na pala 'tong babaeng 'to. "Medyo lang." nakangisi kong sagot.

"Bakit kayo andito sa gate?" tanong niya.

Nagsimula na kaming maglakad, iniwan na pala kami ng Driver nila Nick. "Ako na sa maleta mo." napatingin na lang ako kay Clifton na kinukuha ang maleta kay Vin.

Gentleman daw! Tae siya!

Naglakad kami habang ako tumitingin sa dumaadaan, baka kasi kasama nila si Jaquela. Tsk! "Bakit kayo nasa gate kanina?" pag uulit niya.

Bumuntong hininga ako. "Hinahanap namin si Jaquela." sagot ko.

Kita ko kung paano natigilan si Vin. "You mean... Nawawala siya?" tanong niya. Nag aalala.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon