MT 31

2.4K 55 0
                                    

Karaleigh's POV

Tinignan ko ang wrist watch ko at 2: 36 AM na ng madaling araw, dahan dahan akong naglakad papasok ng bahay at ni lock ang pinto.

H-hindi ko na kaya!

Gusto ko 'yang isigaw! Pero hindi ko magawa!

Buntong hininga lang ang ginawa ko at kumapit sa railings pa akyat ng bahay.

Nang makapasok ako ay nilock ko ang pintuan at humiga sa kama.

Ngayon ko lang ulit naranasang makahiga sa malambot na kama! Narinig ko ang pag ring ng telepono sa wall pero hindi ko na kayang tumayo kaya ikinonect ko na lang sa cellphone ko. Tinapat ko iyon sa tenga. "Hmmm?" walang gana at inaantok na sagot ko.

Rinig ko ang ilang pagbuntong hininga niya. ["How are you?"] tanong niya sa'kin.

Pinikit ko ang mga mata ko. "I'm tired." sagot ko.

Hindi ko kayang magsinungaling pagdating sa kanya.

Rinig na rinig ko ang malutong na swear words niya, kaya tumahimik lang ako.

Galit siya... 'Yon lang ang masasabi ko.

["Sige magpahinga ka na."] sabi niya at pinatay ang tawag.

Hindi ko na nilagay pa ang cellphone sa drawer at nanatiling nasa gilid iyon ng tenga ko.










Kailangan kong pumasok dahil may mga nalalaktawang activities na ako.

Ito kami ngayon nagba byahe gamit ang pinasundo sa'min ni Dad na kotse. "Yiiieee!" masayang anas ni Dexie. "For the first time and forever, walang forever ay nakasakay rin sa service hahaha." natatawang sabat niya.

Nakapikit lang akong nakikinig sa kanila.

Kulang ang tulog ko, at wala pang masyadong pahinga.

Bumuntong hininga na lang ako tuluyang natulog.









Kraven's POV

Naglakad lang kaming tatlo papuntang field. Epal kasi 'tong si Clifton, nagpapasama pa parang akala naman may kakain sa kanya!

"Pre kayo na kasi!" maktol ni Clifton.

Inis ko siyang nilingon. "Hoy! Duwag!" tawag ko. "Lintek ka! Parang kakainin ka naman ni Mr. Gimeñez." sagot ko pa.

Diretso lakad lang kami, buti na lang talaga walang masyadong chicks dito, mahiya pa si Clifton.

Tang ina.

"Lang'ya pre, kung maka sumbat nga 'yang si Sir, grabehan lang." protesta niya.

Kumamot ako sa batok ko. "Nga pala bakit ba pinalitan 'yang teacher natin sa Science?" naguguluhang tanong ko.

"Aba tanong mo sa kanila, langya 'to." anas naman niya sa'kin.

"Bakit di mo ita—" hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng sinipa kami ni Nick!

"Hindi niyo ba ititigil 'yang bunganga niyo?" tanong niya sa'min. Umayos naman ako ng tayo at hinimas ang binti ko.

"Putangina!" sigaw ni Clifton.

"Damn you pre, pwede namang magsalita." inis na saad ko.

Linagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Nagsalita ako," saad niya at naglakad. " 'Yon nga lang na una ang gawa." sabi niya pa at dumiretso na sa paglalakad.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon