Karaleigh's POV
Hayy. Asan na ba sila? Kanina pa ako nandito! Tinadtad ko na ng text ang dalawang 'yon! Pero wala pa rin!
"Karaleigh." may nagbanggit ng pangalan ko kaya lumingon ako.
Lumingon ako. "What are you doing here?!" singhal ko. Umupo siya. "Hey." singhal ko pa.
Oh gosh! Wala man lang sinabi sa'kin si Dad na uuwi siya!
Tumawa siya, "Grabe ka. Ganyan mo ba ako i-welcome?" nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo ko. "I guess hindi sa'yo sinabi ni Dad no?" tanong niya.
"Kailan ka pa umuwi dito?" tanong ko.
"Kagabi lang medyo pagod pa nga ako eh." sabi niya habang nakapikit.
Padabog kong nilagay ang kamay sa lamesa. "Eh ano namang ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko.
Tumayo siya. "See? I'm working here." masayang sagot niya.
What?!
"Ayoko namang doon lang sa bahay, masyadong bored." nakangiting saad niya.
"Miss!" tawag naman ng mga customer.
Nako naman! "Gotta go. Nagpakita lang ako sayo." saad niya pa at umalis.
Anong ginagawa niya dito? Nagtatrabaho? Okay lang naman siya doon sa man—
"Miss, may kasama ka ba dito?" boses bata.
Tumingin ako at nakita ko siya. Tumingin naman ulit ako sa paligid wala ng vacant na table. Ngumiti ako. "Wala naman." sagot ko.
Umupo na lang siya basta. How rude this girl! "Upo na ako ah. Hihihi." nanggigigil na saad niya.
Napabuntong hininga ako. 'Yon! yon eh, hindi pa nga ako pumapayag tapos uupo na siya. Pinatong ko ang kamay ko sa lamesa at ipinatong ko ang chin ko sa kamao ko. "Sinong kasama mo dito?" tanong ko.
Tumingin naman siya sa'kin. "You don't care what my name is?" tanong niya.
Hoo! "Okay, what's your name little girl?" tanong ko.
Ginaya niya ang posisyon ko. "My name is..." pabitin na sagot niya at tumayo. "Ninong here!" tawag niya pero hindi ko na nilingon pa 'yon. Humarap siya sa'kin. "By the way my name is Jaquela Blade." nakangiting sagot nito.
Ano?!
"Tch. Jaquela ang laboy mo talaga." mula sa likuran ko ay narinig ko iyon. Pamilyar ang boses sa'kin.
"Hi Ninong! I met a new nerd." sabat ng bata.
Nagulat ako sa sinabi niya.
What the fudge?!
"Sino nam—Karaleigh?" tanong nito.
Ow shoot!
Naplingon ako at napangiti na lang. Ngiting peke. "Hehehehe. Hi Clifton." pekeng saad ko.
Umupo siya. "Kasama ko kanina 'yong panget na nerd." sabat ni Clifton. Kumunot ang noo ko. "Hahahaha. Nerd ka rin pala. Pfft." natatawang sabat niya pa.
Napabusangot na lang ako. "Kaya pala ang tagal niy—" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko dahil biglang may sumingit.
"Hmmm bwisit ka! Iiwan iwan niyo ko doon sa kotse! Papaantayin mo pa ko don!" sabat ng babae habang pinupokpok ang ulo ni Clifton.
Hard.
"A-aw! A-ray! Aray naman! Hoy! Nakakasakit ka na ha!" singhal naman ni Clifton.
