Jannick's POV
Diretso lang akong pumasok sa CStone High at buti na lang talaga maaga kong na hatid si Jaquela dahil wala pang masyadong estudyante dito.
• Flashback •
Iniwanan ko na siya pero hinabol niya ako. "Jannick sorry na, joke lang 'yon nasigawan ka lang eh." ani niya at umangkla sa braso ko.
Tinignan ko siya ng masama, "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" singhal ko kay Karaleigh dahil sa pag kapit niya sa'kin. Ngumiti lang siya at dumiretso ng lakad habang naka kapit sa'kin! At nadadala ako don! "Get lost!" sigaw ko habang tinatanggal ang braso niya sa braso ko.
"Yiiee. May pa get lost get lost ka pa." natatawang ani niya.
Humiwalay ako ng humiwalay pero ang tindi talaga ng kapit niya sa'kin! "Hindi mo ba ako bibitawan?!" bulyaw ko.
Ramdam kong biglang lumuwag ang kapit niya sa'kin kaya nilayo ko kaagad ang braso ko. "Nabitawan na kita! Kaya sorry na," sabi niya habang nakatagilid sa'kin at naglalakad!
Tinignan ko lang siya. "Mababangga ka sa ginagawa mo!" sigaw ko.
Tumingin siya sa harap. "Hayaan mo pag nabangga ako, edi matutumba ako at pag na tumba ako edi masasalo mo ko diba?" taas babang kilay na sabi niya.
Ano bang pinagsasabi nun?
Nagtuloy lang ako at bahala na siya sa sarili niya. "Tss." singhal ko.
Narinig ko siyang bumungisngis. "Yiieee... Ipagkakalat ko na lang na pumunta sa CR, pero ang totoo pala pupu—"
Nilingon ko siya. Nakangiti lang siya sa'kin. " 'Wag." sabat ko na lang at naglakad na.
Kumapit na naman siya sa braso ko. "Ay hindi ako kumbinsido," sabi niya pa. Kinagat ko ang kamay niyang naka angkla sa braso ko. "Ay! Jusme kalalaking tao nangangagat!" sigaw niya at pinunasan niya ang kamay niya. "Ipagkakalat ko na—" sigaw niya ng pababa kami ng hagdan.
Nilingon ko ulit siya. Nakakainis na! " 'Wag nga sabi! Ang kulit mo!" bulyaw ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Magmakaawa ka muna sa'kin," saad niya at nag isip pa. "Pati dapat 'yong mukha ah." singhal niya pa.
Kumunot ang noo ko. "Tinatarantado mo ba ko?" tanong ko.
"Wooaahh! Sabihin mo lang na 'wag, 'wag kong ipagsasabi sa iba na hindi ka pumunta sa CR," sabat niya sa'kin at lumapit. "Dahil pinuntahan mo lang naman ako, pinuntahan mo ang panget na nerd," asar niya. "Diba ang panget naman ata nun, isang popular at nerd?" tanong niya.
Napasinghap na lang ako. "Okay, 'wag." sagot ko dahil naiinis na ako dito!
"Hindi naman sincere!" bulyaw niya.
Putangina!
Inayos ko ang sarili ko. "Don't." sagot ko at doon siya pumalakpak.
"Perfect!" sigaw niya.
• End of Flashback •
Bwisit na 'yon! Nainis talaga ako sa babaeng 'yon nung pinuntahan ko siya sa Faculty Building. Tss. Kung ano ano pa na—
"Arrgh! Bansot! Nakakainis ka! Akin na 'yan!" sigaw ng tumatakbo.
Nilingon ko iyon at nakita ko na papunta sa gawi ko si Clifton. "Hi! Nick!" hingal na sabi ni Clifton at nagtago sa likod ko.
Kumunot lang ang noo ko sa ginagawa nila. " 'Wag ka ngang magtago sa likod ng ka uri mo!" sigaw na naman niya, at ngayon nakita ko na kung sino 'to!
![](https://img.wattpad.com/cover/87400930-288-k94704.jpg)