| Jannick's POV |
Maayos kong sinuot ang tuxedo na inorder ni Mom. Mukhang mamahalin. Hindi ko akalain na babagay sa'kin ang isang 'to. Hindi na kasi ako nakapagpasukat ng mga nakaraan. Ngayon ang araw kung saan ang lahat ng estudyante sa CStone High ay tuwang tuwa. Alam kong nakita na namin ang mag asawa, pero iba 'to. Kasama na nilang ipapakilala ang anak nila.
Ang anak na matagal ng hindi nila pinakikita.
"Wow! Look at you son! You're so hands—"
"Always, Mom. Always." sagot ko at tinignan si Mom. Maganda ang suot niya. Simpel pero elegante.
"Tara na? Baka malate tayo." sabat niya at lumanas na ng kwarto ko.
"Mom," tawag ko at kita ko ang pagtigil niya. "Asan 'yung mag ina?" tanong ko. Hindi ko nakita ang dalawang 'yun simula kaninang umaga.
"Andun sa kondo, doon na daw titira ang mag ina." sagot ni Mom. "Bilisan mo na, susunod din sila doon." asik pa niya.
Tumango ako at mabilis na inayusan ang sarili. Fuckshit! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na ewan.
Rinig ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Mabilis ko iyon binuksan dahilan para may maramdaman ako ng kung ano sa loob loob ko.
—
From: +639*********
Hoy! Dala ka lighter! Thanks! It's me, Karaleigh.
—
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa text niya—kingina naman Karaleigh! Bakit sa dami dami na pwede mong itext ay ganito pa? Di ba pwedeng iba?! Atsaka bakit niya ako pinapadala ng lighter? Maninigarilyo ba siya?!
Bumuntong hininga ako at pinindot ang number na 'yun at tinawagan. Hindi pa man nakaka ilang ring ay may sumagot na.
[Sorry kung sa'yo pa ako nagpadala— kasi naman andito na silang lahat na kasama ko eh, bawal pa namang lumabas.]
Napangiti ako. 'Yung boses na 'yan. Ang tagal nang hindi ko narinig iyan.
[Hoy ha! Dala ka please. I j-just need it. Thanks and by—]
"Di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa'yo Leigh." panimula ko at umupo sa kama.
Shet.
[Do the both hahaha.] sagot niya at tumawa— kingina!
KINGINAAAAAAA! FUCK!
"K-kumusta ka pala? Ang tagal ko ng hindi ka nakikita? Mabuti na ba pakir—"
[Masamang damo ang kausap mo Jannick, kaya okay na ako. Okay na okay.]
"Masamang damo, nalalanta din." sagot ko at di ko alam kung bakit hindi siya sumagot.
May mali ba sa nasabi ko? Shit naman.
"Pero pwede din namang hindi."
Shit. Lame! Kingina! Aaaaa!
Rinig ko ang mahina niyang tawa. [Kita tayo mamaya.]
Napasuntok ako sa hangin dahil sa sinabi niya. "O-oo nam—"
[Kasi ibibigay mo sa'kin ang lighter. H'wag mong kalimutan. Text kita kong need ko na. Bye.]
Fuck.
Unti unti kong binaba ang cellphone ko at bumuntong hininga.
Para sa lighter. Leche!
For pete's sake! Lighter ang kailangan niya!