Jannick's POV
Bwisit! Bwisit! Bwisit!
"Hoy Kraven! Bilisan mo!" inis na singhal ni Clifton habang nasa back seat.
Sinandal ko ang ulo ko. "Wala na bang ibang shortcut dito?" mahinahon ngunit naiiritang sabi ko.
Liningon ako ni Kraven. "Kayo kayang mag drive dito," sabi niya sa'min at tumingin ulit sa daan. "Bakit kasi traffic dito sa Pilipinas." sabat niya pa.
Psh. Bwisit! Tinignan ko ang wrist watch ko. 10: 23 PM na. Tinignan ko ulit ang daan, traffic pa rin. Lahat ata ng sasakyan dito mga naka tigil na.
Binuksan ko ang pinto sa passenger seat, "H-hoy Nick! Saan ka pupunta? Nako naman." rinig kong sabi ni Kraven, hindi ko na siya pinansin at sinarado ko na ang pinto.
"Woah. Sama ako." rinig kong sabat ni Clifton.
Liningon ko siya, "D'yan ka lang walang kasama dito si Kraven," sabi ko at narinig ko naman na bumukas ang pinto sa driver seat. "Sumunod na lang kayo." sabi ko at nagsimula ng maglakad at pumunta sa gilid.
"Ay naman eh! Kraven mag shortcut ka na kasi." rinig kong singhal ni Clifton.
Naglakad na ako. Masyadong mahangin dito, subagay gabi na. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket at nagpatuloy sa paglakad.
Pumasok na ako sa boutique matapos ang sampung minuto. "Good evening pogi. Ikaw na naman. Hahaha." rinig kong sabi ng isang staff.
Tuloy tuloy lang ako sa pag pasok. "Na recieve niyo ba ang order ni Mama?" tanong ko ng may nakitang ulit staff.
Ngumiti siya, "Oo naman kaso mag aantay ka pa." sabi niya habang naka ngiti.
Kumunot ang noo ko. "What the! Sino naman ang na una?" inis na singhal ko. "Bwisit naman." sabi ko.
Mag aantay pa ako? Sino naman ang nauna 'yun? Pucha!
Narinig kong tumawa yung staff. "Hahaha. Nauna kasi siyang nag pa reserve," sabi niya at may tinuro. "Ayun siya." sabi niya pa.
Liningon ko iyon. May babaeng naka itim at naka headphone. "Oh tapos?" tanong ko. Ano namang gagawin ko dun?
"Hay nakooo, wala." sabi niya at lumapit sa babae.
Liningon ko naman ang iba pang upuan, at umupo doon. Mag katapat lang kami ng babae pero nasa kabilang side siya. Mahabang buhok na black. Magaling din siya pumorma. Teka bakit ko nga ba siya tinitignan? Lang'ya.
"Hey!" rinig kong sigaw.
What the heck! Ang ingay!
Hindi ko na sila liningon pero alam ko na kung sino. "Grabe traffic ang lang'ya!" sigaw pa niya. Nakakairita ang boses ng lalaking 'to.
"Sir, naiingayan po yung customer." singit ng staff na kausap ko kanina.
"Hahahaha okay." rinig kong sabi ni Clifton.
Kumuha na lang ako ng magazine at tinignan iyon.
"Nick di mo naman sinabi na may chicks dito." rinig kong sabi ni Clifton. Nasa gilid ko na pala siya, naka upo.
"Gago! 'Wag kang maingay." rinig kong sabi ni Kraven.
"Timang maririnig ba tayo niyan eh naka head phone? Baliw." sabat naman ni Clifton.
"Sir, naririnig po kayo ni Miss." rinig kong sabi ng isang staff.
Tinaggal ko ang magazine at direktang napa tingin ako sa babae. What the... hell! Umiwas naman siya ng tingin at nagtakip na naman ng magazine. Ano 'yon? Tangina ang ganda ng mata niya!
"Naririnig kami? Di nga? eh naka headphone yan." natatawang sabat ni Clifton.
"I can hear you." sabi ng babae.
What the heck? Pati ba naman boses?
Narinig naman namin na bumukas ang pinto.
Woah! Ang gaganda nila!
"Tang ina! Ang gaganda." rinig kong singhal ni Clifton.
"Yeah I agree." sabi ni Kraven.
Lumingon na lang ako sa hawak kong magazine. "Si sta facendo tardi." rinig kong sabi ng isa. Taga ibang bansa ba 'to?
"Ano daw?" bulong ni Clifton.
"Si." sabi naman ng naka head phone. "Hmm. Ms, I have to go. Hmm text na lang kita." sabi niya sa staff.
At umalis kasama ang dal'wang babae.
"Wow." sabat naman agad ni Kraven.
Sinundan ko ng tingin ang tatlo at nakitang kung sumakay sa van. "Ganda." singit naman ni Clifton.
"Sir, kayo na po yung una ngayon dahil umalis na po 'yong babae." sabi ng staff ng tumigil sa gilid ko.
"Miss, ano 'yong mga pangalan nila?" here we go. Matanong na naman si Kraven.
Liningon siya ng staff. "Hindi ho sinabi eh." sabi niya. "Ihahanda ko na po ang gown na inorder ni Ma'am." sabi niya, tinutukoy ang Mama ko.
"Sige," sagot ni Clifton at umalis naman ang staff. "Sayang." bulong niya pa.
Binatukan naman siya ni Kraven. "Akala ko ba chickboy ka. Oh anong nangyare? Wala." pang aasar ni Kraven kay Clifton.
"Bwisit! Na in love eh. Hehehehe." sagot ni Clifton.
"Tss." ismid ko na lang at tinignan ang staff na nasa counter na may katawagan. Tumayo ako at pinuntahan iyon. "Miss anong oras namin makukuha iyon?" tanong ko at dali naman siyang lumingon.
"Wait lang po Ma'am," sabi niya at nilayo ang telepono. "Ano po yun Sir?" baling niya sa'kin.
Naikuyom ko na lang ang kamay ko. Bwisit ang tagal ha! "Kailan namin makukuha ang pinareserve?" tanong ko ulit.
Ngumiti siya. "Three minutes na lang daw Sir." sabi niya.
"Okay." sabi ko na lang at nag lakad pabalik. "Why?" tanong ko ng makitang naka tingin ang dal'wa sa'kin.
Ang sarap dukutin ng mga mata nila. Mga nang aasar. "High blood ka ata?" natatawang tanong ni Clifton.
Naglakad ako at umupo na lang. "Siguro gusto niyang sundan 'yong chicks." rinig kong sabi ni Kraven.
"Stop." sabi ko. Narinig ko na lang ang pag sipol nila.
Maiingay talaga!
Andito kami ngayon sa railings at naka tayo kasama ang mga ugok. Nakuha na rin namin ang gown na inorder ni Mama at pinadala na rin namin. Pucha! Nakakapagod lang! Tinignan ko ang wrist watch ko 12:09 AM na rin pala.
"Ang ganda talaga dito. Astig!" sabat ni Clifton.
Tumango na lang ako, dahil kitang kita dito ang mga ilaw galing sa mga hotels, bahay, at iba pa. "Lang'ya. Si Nick hindi ko makitang tumawa." rinig kong sabat ni Clifton. Pero pinabayaan ko na lang!
Tama, hindi ko pinapakita sa kanila na masaya ako. Bakit? Dahil yun sa taong minahal ko, pero umalis siya at iniwan ako.
Tss. Pucha! Bakit ba ako nag da drama!
"Ano ka ba! Lagi naman eh." sabat ni Clifton.
Linagok ang iniinom ko. "Woah, hard." sabat ni Kraven.
Tinignan ko lang ang view. Mahangin, sana nandito siya. "Let's go. Uwi na tayo." sabi ko at tumayo na.