Jannick's POV
Pumikit na lang ako at dumilat pa ulit, iniisip ko na sana panaginip lang 'to.
"Hi I'm—" sabi ng transferee namin pero natigilan siya ng biglang may pumasok sa room.
Tumawa siya, "Hihihihi. I'm sorry I'm late." sabi ng kakapasok lang.
Napailing na lang ako. "Lang'ya. Pfft." natatawang sabi ni Kraven.
"Pucha! Ang papanget niyo!"
"Ang panget, umalis na kayo!"
"Pffft. Hahahaha!"
"Nerds!"
"Totoo ba 'to?" tanong na lang ni Clifton.
Pumalakpak si Sir, "Okay. Introduce yourself!" sabi ni Sir.
Pumunta naman sa gitna na ang dalawang nerds. "Hi I'm Dexie Smith." pakilala ng unang pumasok.
Wait. Pamilyar ang boses niya. "Pfft. Hi. I'm Laxmi Ley." pakilala naman ng bagong pasok.
"Nice." sabi na lang ni Kraven.
Napailing na lang ako. Ang papanget!
"Sir." sabi ng nasa pinto. Sinilip ko iyon.
Tangina!
Lumapit sa kanya si Sir at lumingon ang mga nerds... at inirapan?!
"Hmmm." rinig kong sabi ng nasa labas.
Siya! Siya 'yung nasa boutique!
"Transferee ka rin ba?" tanong ni Sir.
Tumango siya at pumasok.
"Wow!"
"Ganda, shit!"
"Tss."
"Supeeerr."
"Siya yong nasa boutique, right?" tanong ni Kraven.
Tumango ako at tinignan siya. "Her blue eyes." na sabi ko na lang.
Lumingon ulit ako sa tatlong bagong transferee. "Hi. I'm Karaleigh..." pakilala niya. "Karaleigh Collin." pakilala niya pa.
Karaleigh Collin.
Lumapit siya sa dalawang nerds at umurong ang naman dalawa.
Tinapik ako ni Kraven, "Anong ginagawa niya?" tanong ni Kraven.
"Tignan niyo na lang, may gagawin ata siya." singit naman ni Clifton.
Tinignan ko ang mga babae sa unahan.
"Anong ginagawa niya?"
"O my gosh! Anong gagawin niya?!"
"Hala baka mag karoon ng away!"
Nakita kong pumagitna si Sir sa dalawang nerds at 'yong babaeng may blue na mata. "What are you doing Ms. Collin?" tanong ni Sir.
Tumigil yung babae at hinarap ang dalawa. "Pag hindi niyo tinanggal 'yan, masasapak ko kayo." sabi niya.
Tss. Yang boses na yan.
Nakita kong kumunot ang noo ni Sir. "The three of you, sitdown!" sabi ni Sir.
Tumalikod ang tatlo at humarap sa aming lahat. "Panindigan niyo yang ginagawa niyo." sabi niya.
Naglakad siya at pumunta sa... "Can I sit beside you?" tanong niya kay... sa akin!
