MT 45

1.6K 36 2
                                    

Jannick's POV

Bumuntong hininga ako ng makita ang mga estudyanteng excited na sa camping.

Monday, ang araw kung saan magsisimula ang camping namin. Ilang araw ring naghintay ang mga estudyanteng 'to. "Oh! Andito na tayo!" lumingon ako sa sumigaw. Si Yje.

"Jannick! Kamusta?!" bulyaw nila. Magkakasama ang mag kakaibigan. Ang dalawang kamember sa basketball at ang isang kaibigan nila.

Tumango lang ako. Pimagmasdan ko ang dala nilang mga gamit. Malalaking bag. "Alam mo na ba kung saan ang pwesto ng bus natin?" tanong naman ni Zach.

"Oo, sa field," sabi ko at naglakad na. Pinapasok nila ang lahat ng mga bus sa field dahil malaki naman ang space ng field na 'yon. "Una na ako." paalam ko doon.

Three days rin kaming nasa ibang lugar.  Napangisi na lang ako.

Ang alam ni Vin ay two days.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng mag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot.

["Hi Nick? Nasa bus ka na ba?"] tanong niya sa kabilang linya.

Hindi talaga siya nag sasawa.

Bumuntong hininga lang ako nagtingin sa paligid at naglakad. "Bakit?" walang ganang tanong ko sa kanya.

Naglakad ako at nakakasalubong ko ang mga estudyanteng katulad ko, mga naka PE uniform, kahit ako.

["Ganyan agad ang bungad mo sa'kin?"] tanong niya.

"Vin, wala akong panahon para ka—"

["Pero ako, maraming panahon para suyuin ka."] putol niya sa sinabi ko.

Nakita ko ang papalapit na sila Kraven at Clifton. "Yow!"

"Hey!"

["Who's that?"] tanong niya.

"Aze and Kian." sagot ko gamit ang apelyido nila.

"Problema pre?"

"Bakit?"

["Oh I need to end this call, take care Nick."] ani niya pa.

Hindi na ako nag dalawang isip pa na patayin iyon at ilagay sa bulsa ko. "Sinong kausap mo?" tanong nila ng makalapit sa'kin.

Sumabay na ako sa lakad nila, "Si Vin." sagot ko sa mga kasama ko.

Nakita namin ang mga iba naming kaklase na papunta na sa field, "Luh lagi namang ganya— Ow. Hi Trio." bati ni Clifton ng makita namin sila Azuka na naglalakad.

Lumingon ito. "Hi." bati nila.

Sumabay sila sa'ming paglalakad. "Ready na ba kayo sa camping?" nagtanong si Asaika.

"Yhep."

"Oo."

"Naman."

Tahamik lang ako sa isang gilid na tinatahak ang daan.

Tinawag pa kasi ni Clifton.

Nakikita ko na ang field, at puros mga bus ang naroon. Mga estudyanteng nagsisikayan at halatang excited na.

"Gosh! Gusto ko ng umalis!" sigaw ng iba.

"Yiee... Exciting 'to!"

Hindi ko na pinansin pang magdaldalan sila Clifton at tumingin na lang sa mga bus.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon