| Jannick's POV |
Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng nag iiyakan. Marami ring hindi namin kilalang taga CStone ang mga dumating. Mukhang ibang lahi.
"Dre, hindi talaga ako naniniwala na atake sa puso 'yang si Azuka. Napakalaking pagkakak—"
Inis kong tinignan siya. Alam ko. Alam kong hindi ataka sa puso ang ganun ganun na lang.
"Atsaka diba, sa Italy siya galing. Sa Org. School." bulong niya habang tinitignan amg mga pumapasok sa pinaglalamayan.
Nilihis ko ang tingin ko sa mga taong dumadaan. Maraming mga lalaking naka itim ang nakapalibot sa lugar na'to. Halatang sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga tao, pero bakit?
"Pansin ko rin ang daming armadong lalal—"
"Hindi basta basta estudyante ang namatay. Isa siya sa mga kinikilalang magaling sa eskwelahan nila dati."
"Kingina, para kang multong sumulpot."
"Gwapong multo."
"Sinong nagsabing gwapo ka?"
"Sila."
"Malabo ang mata ng—"
Tinignan ko ang biglang sumulpot sa gilid namin. "Anong ibig mong sabihin? Ano siya sa eskwelahan nila?" tanong ko para maging seryoso ang mukha niya.
"She's part of the mafia—"
"Fuck, m-mafia?!"
Inis kong siniko si Kraven. Badtrip. Ngayon lang ba siya nakarinig ng ganoon. "Kraven, bunganga mo. H'wag kang maingay. Masasapak kita." asik naman ni Clifton.
"Sino nagsabi sa'yo?" tanong ko pa.
Kingina. Nabubuhayan ang dugo sa ganito, lalo na ang mga nakalapalibot sa'kin nung mga nakaraang araw—hindi na ako magtataka kung isa silang mga mafia.
Binuksan niya ang back seat ng kotse. "Narinig ko lang. Hindi ko kilala, pero sigurado ako. Kilalang kilala nila si Azuka." sabat pa niya.
Muli kong sinulyapan ang mga pumapasok sa burol ni Azuka. "Alam niyo bang hindi lang basta basta atake sa puso ang ginawa nila?" tanong ng nasa loob.
"Gago, kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo Clift, umayos ka nga."
"Tanga, seryoso ako."
"Gago mas seryoso ako. Tignan mo 'yung mga balahibo ko, nagsisitayuan ang puta."
"Alam mo, manahimik ka. Parang hindi ka nasanay nung pumunta tayo sa hideout ng mga nerds ha."
"Gagi, akala ko kasi wala lang 'yun e, pero akalain mo, naging seryoso na 'yung patayan."
Napatigil ako sa narinig ko. Kahit si Clifton ay hindi na nagsalita dahil sa narinig. Unti unti akong nilingon si Kraven. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at nakita ko si Kraven na tumigil sa pag iling.
Pansin ko ang pananahimik niya. Napatingin ko din ang napapangisi na si Clifton.
Kingina, anong ibig nilang sabibin?! Bakit parang ako lang ang walang alam?! Hinayupak!
| Fort |
Sinipat ko ang cellphone ko. Nakakailang araw na rin ng makalabas siya sa hospital, pero ni isang text wala man siyang paramdam.
Inayos ko ang baril na hawak ko. Pinunasan ko iyon at nilagyan ng bala. Hindi rin ako pumasok dahil sa nangyare. Alam kong puros balita lang ang gagagawin nila. Walang thrill.