MT 53

1.8K 35 3
                                    

Jannick's POV

Ngumiti ako ng makita ko siyang papunta sa'kin. Tama sa'kin.

Napaka swerte.

"Hi..." bati niya sa'kin at nakiupo sa bench. "Kanina ka pa rito?" tanong niya pa.

Bumuntong hininga ako. "Ang ganda mo," saad ko. "Alis na tayo?" tanong ko pa.

Ngumiti siya sa'kin. "Kahit nerd ako nagagandahan ka pa rin sa'kin?" tanong niya.

Umakbay ako sa likod ng inuupuan namin. "Oo naman. Lalo na kung nag transform ka." natatawang sagot ko.

Tumingin ako sa kanya, at siya rin. "Nakakainis ka!" bulyaw niya.

Tumawa ako. "Leigh," usal ko.

"Ba-bakit?" tanong niya, nauutal.

"Pwede ba kita—"

"Ayiiiieeee!"

"Woah!"

"Wahhhhh!"

"Ayooookkkkoooo! Jannick ako na lang!"

Lumingon ako sa mga nasa harapan. "Pwede ba kitang liga—"

"Kyaaaahhhh!"

"Wala na ang baby ko!"

"Huhuhuhu!"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Class quite!" bulyaw ni Sir. Ngumiti ako.

Buti naman! Lintek na play 'to!

"Leigh, pwede ba kitang ligawan?" tanong ko, nakakahiya.

Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako. "Oo naman." sagot niya.

Yesssss!

"And cut!" bulyaw ng director ng grupo namin. Tsk.

Tumayo kami at nag bow.

"Good job!" sigaw ni Sir.

Huminga ako ng malalim at naglakad na. Nakakabwisit ang ginawa namin! Bakit pa kasi kami ang kailangan magtambalan eh.

"Gusto gusto mo naman pre hahahaha."

Napangisi na lang ako. "Tangina, napilitan lang ako." sagot ko.

Mula akong sumulyap sa mga nasa harapan. Mga naglilinis sila. "Kasama ba ang pamilya mo sa party?" lumingon ako sa nagtanong nun.

Tumango ako. "Oo, andito na nga sila eh." sagot ko.

Umupo ako sa upuan ko, andito sila dahil sa pesteng party na magaganap. Tsk.

"Pero pre? Hindi mo ba talaga papansinin ang Ate mo? Ka—"

Sinulyapan ko ang nag pasimuno ng usapan na'yon. "Tangina, pagsisihan niya muna ang ginawa niya." sagot ko.

Putangina! Dahil sa kanya naging miserable ang buhay ko, pati na rin ang buhay niya. Kung hindi dahil sa kal—

"Bakit pre? Nagsisisi ka ba na dumating si Jaquey sa inyo?" tanong ni Kraven.

Napamaang ako. "Hindi," sagot ko.

"Eh bakit ganun pre? Hindi mo pa rin mapatawad ang Ate mo? Ilang tao—"

"Iba si Jaquey kay Jaquela." pinutol ko na ang sasabihin nila.

"Magka iba nga Nick pero pare—"

"Stop this topic." bulyaw ko at tumayo. Sinulyapan ko ang iba naming kaklase, mga nasa labas na.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon