Jannick's POV
"Thank you anak. Nako nagustuhan ng kumare ko iyon. Hahaha." masayang sabi ni Mama habang kausap ko sa telepono.
Umaga na rin, at naisipan kong bumaba ng kwarto pag katapos maligo sakto namang napa tawag si Mama.
"Tss. That's okay." walang ganang sagot ko. Sinilip ko ang second floor pero hindi pa rin naka silip ang batang 'yun.
"Hahaha. Sige I need to end this. Andito na ang mga partner ko eh. Bye. Paki kamusta rin ako kay Jaquela." sabi niya at biglang binaba ang tawag.
Hayy.
Binaba ko na rin iyon at pumunta sa dining area. "Manang paki tignan naman kong gising na si Jaquela, pag gising na pabababain mo na at mag be-breakfast." sabi ko ng makita si Manang.
"O-opo." sabi niya at tumakbo pa labas ng dining area.
Sana naman maka usap na ako ng batang 'yun.
Tinignan ko ang mga naka hain sa lamesa. Sunny side up, bacon, omelet, hotdog, pancake at bread. Umupo ako at kumuha ng pancake at chocolate syrup. "Morning." rinig kong may nag salita.
Lumingon ako at nakita siya. Umalis na rin 'yung yaya. "Morning, kumain ka na dito." sabi ko at naglakad naman siya at umupo.
Tahimik siyang bata, mahilig lang sa mga greetings yun lang at wala ng iba.
Inantay ko muna siyang maka upo. "Kinakamusta ka ni Mama." panimula ko.
Tumingin siya sa'kin pero saglit lang. At kumuha ng hotdog. "Hmmm. Si Lola. I miss her too." sabi niya.
Katahimikan!
'Yan ang nangyayari samin kapag wala ng kong sasabihin.
"Gusto mong mag mall?" wala sa sariling tanong ko at hinati ang pancake at kumain.
"For what?" sabi niya. Tss.
Tinignan ko siya pero pinaglalaruan niya lang ang pagkain na nasa plato niya. "Akala ko ba gusto mo? 'Yan ang sabi sa'kin ng yaya mo." paliwanag ko.
Lumingon siya sa'kin. "Pero gusto ko kasama si Mama," sa sinabi niya bigla akong napa tayo. "Si-siya ang gusto ko." sabi niya pa. Iiyak na naman siya! Punyeta!
Okay! Nick relax! Umupo ako at pinigilang sigawan siya. "Pero wala dito ang Mom mo." mahinahon na sagot ko.
Uminom siya, "Kasi nagalit ka sa kanya." sabi niya at nakita kong tumulo ang luha niya.
Oh Damn!
"Okay," sabi ko at nilapitan siya, lumuhod ako para makapantay sa kanya, "Wala dito ang Mom mo." sabi ko pa. Pina ulit ulit para maintindihan niya.
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya, "Ano sasama ka ba sa'kin, o dito ka lang sa bahay?" tanong ko.
"Kailangan mo siyang alagan, dahil kasama ko ang Mommy niya, 'wag mong ibuntong lahat ng galit mo sa kanya."
"Sana maging maayos kayong dal'wa kung sakali ay maging malapit kayo."
Naalala ko na naman ang sinabi ni Mama. Kailangan ko maging malapit sa kanya.
Tinignan ko ulit siya, "Do you want to come with me?" tanong ko ulit.
Tinignan niya ako pero malungkot ang mga mata niya. "As you said." sabi niya at tumakbo.
"Hey!" tawag ko, "Come back here! Hindi mo pa tapos ang pagkain mo." sabi ko pa pero umakyat na siya ng hagdan.
Tss. That kid manang mana sa Mom niya.