| Jannick's POV |
Mabilis na lumipas ang araw. Nagluluksa pa rin ang karamihan dahil sa pagkawala ni Azuka. Hindi ko alam na maraming din pala siyang naging close sa school. Kaya parang lahat ay apektado sa pagkawala niya.
May hinahanap ang mata ko na hindi ko makita. Kaibigan nila 'to. Kaya bakit wala sila dito?
Pang apat na araw na nilang pinaglalamayan si Azuka pero ni anino ng dalawang niyang kaibigan ay hindi ko makita kita.
Ano kayang nangyare sa kanila?
Paatay na rin kaya sila?
Shit. Bakit ko ba inisip ang ganung bagay?!
Ito na ang huli pag punta ng section namin sa lamay ni Azuka. Iba na daw kasi ang pupunta sa mga susunod na lamay. Malupit makipag kaibigan si Azuka ang putik.
"Gusto niyo po ba ng sopas?"
Tinignan ko ang nagtanong sa'kin. Ang isa sa bayarang nag aasikaso sa lamay ni Azuka. Umiling ako at ngumiti. "No, thanks po." sabat ko na lang.
Napapatingin ako sa mga sumisilip sa kabaong ni Azuka. Kada silip nila doon ay napapahagulgol ang iba.
Aish.
Tinignan ko si Jaquey, naka ilang araw na siya dito sa lamay ni Azuka. Hindi na nga rin siya umuuwi sa bahay. Mukhang naging malapit sila, pero saan?
Ayon ba 'yung mga panahong nasa Italy siya? At bago maging transferee si Azuka sa CStone High ay naging mag kaibigan na sila?
Hindi ko alam.
Wala akong alam sa buhay ni Jaquey. Ayoko ring paki elaman siya.
Napatingin ako sa dumating dahilan para mag init ang ulo ko. Tinignan ko siya nang umupo siya sa tabi ni Jaquey.
"Oy, Nick. Andito pala si Sir Vizier." sabat ng katabi ko.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Kraven. "Kilala ba niya si Azuka?" tanong pa niya.
Umiling ako. Narinig ko kanina ang pag uusap ni Jaquela at ng tatay niya kung nasan ang nanay niya. Ayon ata ang dahilan kung bakit siya pumunta dito. Para pauwiin na si Jaquey na walang tulog simula ng unang lamay.
"Tinawagan siya ni Jaquela kanina. Sinabi niya doon na sunduin na ang nanay niya dahilan hindi na niya nakikita ang mom niya." paliwanag ko at kita ko kung paano umiyak sa braso ni Vizier si Jaquey.
Shit.
Inis kong tinignan si Vizier habang tinatapik si Jaquey. Pinapagaan ba niya ang damdamin ng kapatid ko? Tss. Dapat unang araw pa lang ay nasa tabi na siya ni Jaquey, pero wala siya.
Tsk. Ang engot talaga.
"Kilala ba ni Sir si Azuka? Naging estudyante ba niya 'yan?" tanong ng katabi ko, si Clifton.
"Oo, nung nagkaroon ng outside activity."
"Ahhh."
Napatigil ako sa pakikinig sa kanila. Naalala ko ang nangyare dun. Kung paano ako tutukan nila Fenech at Asaika ng baril nung gabing hinahanap ko si Karaleigh. Akala ko ay papatayin nila ako—mga gagong babaeng 'yun.
"Naging facilitator nila si Sir Vizier."
"Sandali nga, asan pala sila Fenech at Asaika?" tanong ni Clifton.
Nilingon ko si Clifton. Tama. Ayun din ang gusto ko ng itanong. Kung nasaan ang mga kaibigan ng patay na 'to? Bakit hindi man lang sila nagpapakita?