MT 22

2.8K 69 0
                                    

Jannick's POV

Nagkaroon ng sayawan sa baba ng stage, special number daw. Pinagmasdan ko lang ang mga sumasayaw. Magagaling ang hataw nila.

Nang matapos ay pumalakpak ang mga nasa hall at tinignan ko ang mag asawa, masayang pumapalakpak. "Thank you mga dancer." nakangiting sabat ng emcee. "Let's give around of applause to the owner of the school. The Stone Family." sabat pa ng emcee.

Nang makita naming sila ng malapitan talagang nakakamangha. Sa ganda at gwapo nila ay hindi namin akalain na may anak na sila, at sigurado na maganda at gwapo din ang mga 'yon. "Sa tagal ng panahon ay nakapunta rin kami, nakabisita at nakita namin ang mga estudyante ng aming paaralan." sabat ni Mr. Stone.

Nagpalakpakan ang lahat kasama na ako doon dahil sa kamanghaan sa pamilya nila. "Mr. and Mrs. Stone, napakaganda pong opurtunidad ang pagpunta niyo dito sa'min, sa dami ng pinatayo niyong eskwelahan sa bansa ay dito niyo pa po napili ang pinakauna-unahang pagpapakilala sa'min." mahabang sabat ng principal namin.

Liningon ko ang ibang table. Nasaan kaya sila?

"May hinahanap ka?" tanong sa'kin ni Clifton.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Hindi ba halata?" tanong ko.

Napangiti siya. "Sino?" tanong niya.

Liningon ko ang kasama namin sa table. Ang Trio. Tahimik lang silang nakikinig.

"Basta," inis na salita ko. "Magaling din magtago ah." saad ko pa.

"Pagpasensyahan niyo na ang aking anak," napa lingon ako sa nag salita. Si Mr. Stone. "Wala siya dito ngayon dahil may importante siyang ginagawa."

"Ayyyy!"

"Sayang!"

Tumingin na ako sa kanila. Ngumingiti si Mrs. Stone, parang may kinakausap. Sino naman?

Inikot ko na lang paningin ko sa hall. "Pero may mga kasama kaming dalaga dito," masayang tumayo si Mrs. Stone habang nagsasalita. "Ito 'yong mga ba—"

*BANG*

Nagulat ang lahat dahil sa narinig naming pagputok ng baril.

"What's that?!"

"Bakit may ganun?!" tanong ng mga esutudyante dito.

Tumawa si Mr. Stone. " 'Wag kayong mag alala," nakangiting saad ni Mr. Stone. "Mauuna na kami dahil marami pa kaming gagawin, right?" baling ni Mr. Stone kay Mrs. Stone.

Nag thumbs up si Mrs. Stone. "Yeah." nakangiting sabi nito.

"Aalis na agad sila."

"Sayang naman."

"Hindi natin nakilala ang mga dalaga na sinasabi ni Mrs. Stone."

Napalingon ako sa mga kasama ko sa table. "Aalis agad, sayang." masamang tingin ni Azuka sa stage.

"Pfft. Sa labas na lang." ani ni Fenech.

Tumingin ako sa mga dumadaan, mga body guard ng Stone, pinupuntahan nila ang mag asawa. "We need to go, Ms. Principal." saad ni Mr. Stone.

"Mag c-cr muna kami." tumayong sabat ni Asaika.

"Yeah sasamahan na naman siya." singit ni Fenech.

"Huh?" naguguluhang tanong ni Clifton.

"Mag c-cr lang kaming tatlo." singit naman ni Azuka at tumayo sila.

"Kailangan talaga sabay sabay?" singit ni Clifton.

"Yeah alam niyo na kailangan pang mag selfie." nakangiting saad ni Fenech.

Wala na silang ginawa kundi ang um-oo na lang. Binigay ko ang pansin ko sa dumadaan. Nakita ko ang mga Stone na nasa gitna ng mga tauhan nila.








Someone's POV

Pinagmasdan ko lang sila, ang pagputok ng baril ay isang hudyat para sa kanila. Tinapos na nila nang maaga ang program.

Sayang ang hinanda nila.

Nakita kong tumayo ang mga Stone at pinalibutan ng mga tauhan nila. Napangiti akong makita na umaalis sila, sigurado na ako.

Mga kalaban sila.

Nakangiti lang akong tinitignan sila sa malayo habang naka binocular ako, at hawak ang sniper. "Tama ba Blu?" tanong mula sa earpiece ko.

Ngumiti akong tumatango, tinignan ko ang hallway. Wala na talagang tao. "Nero," pagtatawag ko sa kabilang linya. "Nakahanda naman ang daan nila diba?" paninigurado ko.

Narinig ko ang pag type niya. "Clear, Blu." sagot nito sa'kin.

Pinagmasdan ko lang silang maglakad. "Kailangan ko ng sila—" naputol ang sasabihin ko dahil may humarang sa binocular na nasa mata ko. "Tsk!" maktol ko. Naka asinta na eh!

"What are you doing?" tanong ng lalaking humarang sa'kin.

Tinignan ko lang siya ng masama. "Asintado na! Humarang ka pa!" bulyaw ko. "Gusto mo ikaw patayin ko?!" bulyaw ko pa sa kanya at tinutok ang baril.

Ngumiti lang siya sa'kin. "Do it," saad niya. "Magagawa mo naman ba?" tanong niya pa.

Napairap na lang ako. "Oh asan ang mga nerds na kasama mo?" tanong ko.

Umupo siya sa railings at tumingin sa'kin. "Wala sila dito," sagot niya. Inayos ko ang baril at tinutok sa binabantayan ko. "Papatayin mo na ba agad sila?" tanong niya sa'kin.

Napangisi ako, hindi ko tinatanggal ang pag katingin ko sa tatamaan ng bala na 'to. "Kung gusto mo ikaw ang unahin ko Fort Balfour." naiinis na saad ko sa kanya. Magagawa ko na, humarang pa siya!

Bumaba na siya sa railings at tumabi sa'kin. "Bakit hindi na lang natin unang tapusin ang mga nerds?" tanong niya.

Napangiti ako. "Nagtatago sila, nagtatago sa mga maskara nila." sagot ko.

Kinuha sa'kin ni Fort ang baril. "Edi tanggalin natin ang mga maskara nila." sagot niya.

Binatukan ko siya. "Iba ka rin manloko ng mga malalapit sa'yo," wala sa sariling saad ko. "Pati ang mga walang kaalam alam na nerds na dadamay mo." paliwanag ko pa.

"Si Karaleigh?" tanong ni Fort sa'kin.

Nakangiting akong tumingin sa kanya, habang tinutok ng tuluyan ang baril na nasa baba. " 'Yong nerd?" tanong ko. "Gusto mo patayin natin." natatawang saad ko.

"Hoy! Blu anong pinagsasabi mo diyan?!" tanong ng nasa kabila. Si Nero.

"Sa tamang panahon." sagot ko kay Fort, at pinaputukan ang nasa baba.

Tsk! Nakakainis!

"Damn! Bakit mo siya natamaan?" tanong ni Fort.

Inis akong lumingon sa kanya. "Bigla siyang humarang!" bulyaw ko.

"Blu, iba ang natamaan mo." ani ni Marrone.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sabi ko naman sa'yo may tamang panahon para sa kanila. Inunahan mo na agad." paliwanag sa'kin ni Fort.

Nakakabanas! Epal talaga sila!

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon