Jannick's POV
Inayos ko ang mga gamit ko dahil pupunta kami ngayon sa gymnasium para sa sports na gagawin. "Ma'am paano po pag may hika?" tanong ng isa sa kaklase ko.
"Common sense na 'yon class, kung may hika man kayo don lang kayo sa bleachers okay?" sagot ni Ma'am.
"Yes, Ma'am!"
"Maglalaro ka ba?" tanong ni Kraven habang nag aayos din ng gamit.
"Ay ako oo pre, mga chicks 'tong mga kaklase natin eh," sagot ni Clifton at tinapik kami. "Except sa mga nerds." bulong na sabi niya pa habang nakaturo ang hintuturo niya sa mga nerds.
Tinignan ko iyon. Nag aayos sila ng gamit nila. "Maglalaro ka ba Karaleigh?" rinig kong tanong ni Laxmi.
"Kung kaya."
"Pag hindi naman doon ka lang sa bleachers?"
"Yeah."
"Guys! Five minutes dapat kompleto na tayo sa gym!" sigaw ng kaklase naming kakapasok lang sa room.
"Let's go." aya sa'min ni Clifton.
"Mauna na kayo, may gagawin pa ako." sagot ko at inilabas ang isang ballpen at notebook.
Nakita kong kumunot ang noo ni Kraven. "Ano naman?" tanong niya.
"Basta sige mauna na kayo." sabi ko pa, at nagsimula ng magsulat.
"Okay bahala ka." sagot ng dalawa.
Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy lang sa pagsusulat ng notes.
"Three minutes na lang!" sigaw pa nila.
"Tara na?" rinig ko ulit sa likuran ko.
"Yhep."
Narinig ko ang mga pagsara ng mga bag nila.
"Yiiee... Excited na ako, matagal na akong hindi nakapaglaro ng volleyball eh alam niyo na—" pinagmasdan ko lang ng magsalita si Dexie habang naglalakad sila.
"Bunganga mo. Oo alam namin, busy ka kaka swimming mo." saad naman ni Karaleigh.
Asan na ang blue eyes niya? Bakit ba siya nag nerd? Tss. Ang gulo ng buhok at naka brace pa.
Nalagpasan na nila ko pero may narinig akong nahulog, "Ano 'yon?" tanong ni Karaleigh.
Nagtuloy lang ako sa pagsulat. Habang nakikinig sa kanila. Am I eavesdropper? "Wala 'yon let's go." excited na sabi ni Dexie.
Inantay kong makaalis sila at nilingon ang paligid. Wala ng tao. Tumayo na ako at nag unat na. Kinuha ko ang bag ko at isinabit sa balikat ko. Maglalakad na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko.
Kumunot ang noo ko ng makitang kuminang iyon. "Ano 'to?" tanong ko sa sarili ko ng makita iyon, tinaas ko ito at isang, "Bracelet?"
Siguro 'eto ang nahulog kanina.
Inikot ko iyon at may nakita ako naka crave...
Karaleigh
78663
Lumingon ako sa harap at likod pero wala na talagang tao.
Sinara ko ang pinto ng classroom. Naglalakad na ako habang tinitignan ang bracelet na hawak ko.
Kay Karaleigh 'to. Pero ano 'tong number na naka ukit dito?
"Hay salamat you're here." naitago ko ang kamay sa likod ko dahil sa gulat at inilagay ang bracelet sa bulsa ng pantalon.
