MT 29

2.4K 61 1
                                    

Clisha's POV

Umuwi ako sa bahay ng mabalitaan kong natamaan ang kapatid kong womanizer. "Buti buhay ka pa," asik ko ng makita ko siya sa living room na nanunuod at kumakain ng pizza. "Napuruhan ka na nga, prenteng naka upo ka pa," sabi ko at lumapit sa table at inayos ang mga magazine. "Asan si Mama?" tanong ko sa kanya. "Alam niya na ba 'to?" tanong ko ulit. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano hindi ka sasagot sa mga tanong ko? Baka gusto mong balyahan kita." asik ko.

Umayos siya ng pagkakaupo pero ang tingin niya parin ay nasa TV. "Paano naman kita masasagot diyan Ate kung sunod sunod ang tanong mo." sagot niya sa'kin.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. "Sasagot ka na nga lang, ni isa wala sa mga tanong ko." sabat ko at nag patuloy sa pagaayos ng magazine.

"O sige, asan si Mama?... nasa kwarto niya, at oo alam niya na'to. Nabatukan pa nga ako eh!" asik niya naman sa'kin.

Nagpameywang ako sa harap niya. "Hindi porket, lumpo ka muna ng panandalian e hayahay na ang buhay mo!" asik ko at pinandilatan siya ng mata. "Hala sige! Tumayo ka dyan at mag linis dito!" utos ko kahit may maid naman kami.

Kinamot niya ang ulo niya. "Lol! 'Te sige na pumunta ka na ng kwarto mo!" asik naman niya sa'kin.

"Mabuti pa nga!" bulyaw ko sa kanya at kinuha ang bag.

Umakyat na ako ng hagdan, iniwan ko si Clifton doon na naka upo lang.

Hindi kasi nag iingat 'yang lalaking 'yan eh!

Nang nasa huling baitang na ako ng hagdan ay nag ring ang phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha. Napalunok ako!

Sinagot ko iyon, ["Alam ng kapatid mo ang patakaran dito diba?"] tanong niya.

Parang nawalan ako ng boses doon. Umurong ang dila ko! Tumikhim ako at sumagot. "O-oo..." sagot ko at hindi na siya nag salita ulit. Sinilip ko ang cellphone, wala na ang caller. "Clifton!" bulyaw ko at sumilip sa kanya.

Lumingon siya sa'kin. "Why?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "You know the rules of mine, right?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya pero halatang kinakabahan. "Then, be prepare." anas ko at tuluyan ng umakyat.

Kita ko pa sa kanya ang pagkabalisa.

Pag dating talaga dito, takot siya!

Pumasok ako ng kwarto ko at nilagay ang bag sa cabinet. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinawagan ang lalaki. ["Ciao,"] bati niya. ["Any problem?"] tanong niya.

Naglakad ako at humarap sa salamin, "What happened to her?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer.

Rinig kong bumuntong hininga siya. ["May cons—"] pinutol ko ang sasabihin niya.

"Involved ba dito ang kapatid ko?" tanong ko.

["Si."] sagot niya. ["Kinukuha ko sa kanya ang parusa pero ayaw niyang magpahati."] sabat niya.

Tinanggal ko ang medyas at sapatos ko. "Siguro gusto niya ng harapin 'yon ng magis—" napatingin ako sa screen ng may bagong caller. "Sige mamaya na lang, may bagong caller." sabat ko at pinatay ang tawag ni Fort.

Fort Balfour.

In-answer ko ang panibagong tawag. "Kumusta?" panimula ko ng makita kung sino ang tumawag.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon