MT 11

4.9K 104 0
                                    

Karaleigh's POV

"Hi Dad." bati ko ng makapasok ako sa office at hinalikan siya sa pisngi.

"How are you? Okay ka lang ba?" tanong ni Dad.

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about?" tanong ko.

Uminom siya ng wine niya, "You know what I'm talking about." seryosong saad niya.

Napayuko ako. Sobrang higpit ng kapit ko sa dibdib ko kanina, parang mauubusan ako ng hininga! "D-dad... Gusto ko ng mawala 'yong sakit ko." nakatulalang paliwanag ko.

Naramdaman kong tumayo si Dad at lumapit sa'min. "Gusto mo bang doon ka na lang sa Mom mo?"

Napatingala ako sa kanya. "Gusto ko Dad pero ayoko na, dito na ko sa Pilipinas." sagot ko.

"But—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Sige Dad, doon muna ko sa room ko." sagot ko at tumayo na.






Tumayo ako galing sa pagkakahiga sa kama ko. Pumasok ako sa banyo, tinanggal ang brace ko. Bakit ba kasi ako nag ganto? Tinanggal ko ang makapal na salamin na wala namang grado. At inayos ko ang buhok kong naka lugay. Humarap ako sa salamin. "Okay namang itsura ko ng ganito? Bakit ko ba kailangang magpanggap?" natatawang tanong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang salamin na kabinet at kinuha doon ang sipilyo ko.

Nang matapos kung maghilamos ay lumabas na ako sa banyo. Tinignan ko ang wrist watch ko. It's 8 PM. Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at binasa... Unknown number.

From: +639*********

KAS Villa, meet at 9 PM

Bumuntong hininga ako. Bakit doon pa sa Villa na 'yon?

Binuksan ko ang walk in closet ko at pumunta sa secret place ko. Pero wait!

Gosh! Paano ako makakapasok? Wala 'yong key ko!

Yung bracelet!










Jannick's POV

Andito ako sa kwarto ko at naglalaro ng Dota dahil bored ako at walang magawa. "Nick..." rinig kong may kumakatok.

"Tss." singhal ko, enixit ko muna ang ginagawa ko at tumayo na. Binuksan ko ang pinto pero kalahati lang. "Why?" tanong ko.

Nakatingala sa'kin ngayon ang batang si Jaquela. "Nasa baba si Ninong Clifton at Ninong Kraven." sagot niya.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang relos ko. It's 8:30 in the evening. "Okay," sagot ko at lumabas na ng kwarto, at sinarado ang pinto. "Go to your bed and sleep." utos ko.

Nakakain na rin naman kami kaya pwede na siyang matulog. "Okay." sagot niya at tumakbo na papunta sa kwarto niya.

Kinamot ko ang batok ko. "Ano na naman ang ginagawa ng mga ugok na 'yon?" wala sa sariling tanong ko. Nang makababa naman ako. "Could you stop that shit!" sigaw ko habang nakatakip ang kamay sa tenga!

Tangina! Sinong nagsabi sa dal'wang 'to na maglaro dito at ang lakas pa ng volume nila!

Nang napahinaan na ay tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga. "Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko, umupo ako malayo sa kanila.

"Having fun." masayang sabat ni Clifton.





Lumabas ako para magpahangin, kasama ang dalawang 'to. "Pre, libre mo kami kahit coke in can tapos junk foods." saad ni Clifton.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon