MT 47

1.6K 33 0
                                    

Karaleigh's POV

Kunot noo akong nagmasid sa paligid. Nasa labas ako ngayon ng room namin. Mahimbing na rin ang tulog nila Dexie at Laxmi,  "Hey," may tumawag sa'kin. Kilala ko na rin naman kung kaninong boses iyon. "Bakit ka mag isa dito?" tanong niya pa.

Siya na naman!

Umupo ako sa isang bench sa labas at tumingin na lang  sa kalangitan. "Hindi naman ako nag iisa, kasama ko sila." sabi ko habang nasa paningin pa rin ang mga bituin.

"Who?"

Bumuntong hininga ako. "Nuh. N-nothing." sabi ko na lang.

Slow ang bagal. Pagong ang kupad! Parang nung dati lang! Tsk!

"Le—"

Lumingon ako. "I said don't call me Leigh, you're not my friend." diretsong sagot ko.

Kita ko ang mga mapupungay niyang mata. "Tss. Hindi ka rin ba makatulog?" tanong niya.

"Hmmm." sagot ko na lang.

Ramdam kong nakiupo na rin siya sa tabi ko. "Paano ba kita maging kaibigan niyan?" tanong niya.

Napamaang ako. "Wow, ikaw? Ang heartrob ng CSH ay makiki—"

"Masama ba 'yon para sa isang kat—"

"Masama kung iyon ang magiging paraan para mapalapit ka sa'kin."

"Ano pa't naging kaibigan ako diba?" tanong niya.

Really? Karaleigh?

Ngumuso na lang ako. "May galit ka nga sa'kin, at hindi kita kilala ng lubusan." sagot ko sa kanya.

Lumingon ulit ako sa mga bituin. "Kung sasabihin ko ba? Magiging kaibigan na kita?" asik na naman niya.

Ngumiti na lang ako. "Okay kung 'yan lang rin naman ang gusto mo." sagot ko.

Ramdam at rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Ako nga pala si—"

"Opps..." ani ko habang naka harap sa kanya ang palad ko. Pinapatigil. "Cut the introduction."

"Fine, I hate you."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Loko ka ah!" bulyaw ko at tumayo. Aambahan siya para suntukin.

Pero hinila niya ako! At pinaupo uli habang hawak ang kamay ko! "Naiinis ako sa'yo, hindi kita gusto," saad niya sa pagmumukha ko.

"Edi kung ganoon rin naman pala 'wag k—"

"Let me finish first," sabi niya at napatingin na lang sa kalangitan. "Naiinis ako sa'yo sa oras na tinatawag kita na ‘Leigh’ bakit ba napaka big deal sa'yo ang—"

Inalis ko ang kamay niya at tumayo, sabay harap sa lalaking nakaupo. "Hoy Jannick! Ano bang— kung hindi naman pala pakikipagkaibigan ang habol mo sa'kin edi 'wag—" sabi ko habang dinuduro siya. "Urgh!" napa padyak na lang ako sa lupa. "Nice! Ginising mo ang diwa ko don peste!" inis na saad ko at nag pameywang na naka tingin sa langit.

Napaka lupit din! Ang kapal niyang sabihin— kung ayaw niya sa'kin, fine! The feeling is mutual.

Pero napamaang na lang ako ng bigla niya akong hilahin ulit! Nakakapeste!

"Sabi ko naman sa'yo patapusin mo muna ako!" bulyaw niya.

"Tapos ngayon sinisigawan m—"

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon