MT 58

1.3K 26 0
                                    


Jannick's POV

Kanina pa ako...kami nag aantay sa paglabas ng doktor pero wala pa rin. Tahimik lang akong naka upo at pinagmamasdan sila. Naguguluhan ako sa inasal at kinikilos nila simula ng pumunta kami dito. Alam kong kaibigan nila Fort si Leigh pero bakit parang hindi sila nag aalala. Sila Ate Clisha, hindi ko naman at wala naman akong nakukwento sa kanila tungkol kay Leigh pero bakit kilala na nila agad? Napasulyap ako sa katapat kong tao.

Yung lalaki.

"Are you related to her?" nakatingin niyang tanong sa'kin at nginuso si Jaquey na kausap si Ate Clisha.

Tumango ako bilang pag sang-ayon at umiwas ng tingin. "How about Karaleigh?"

Leigh

Muling nag simula ang kaba ng nararamdaman ko ng sabihin niya ang pangalan ng dahilan kung bakit kami andito.

"Kasama ka niya?" tanong niya pa rin sa'kin.

Ano bang problema neto?

Umayos ako ng pagkaka upo. "Sabihin mo nga, ikaw. Anong relasyon mo sa kanya?" tanong ko pabalik.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya at masamang tumingin sa'kin. "I'm the one who asking you that question. How are you related to her?"

"Ford..."

"K-kuya."

"Ford..."

Tumingin ako sa mga sumingit sa pag uusap namin. "K-kaibigan siya ni Karaleigh."

Yeah. Kaibigan.

"Are you one of them?" tanong ko sa sinasabing Ford.

"Jannick."

"Nick..."

Hindi ko pinansin ang sumisingit sa usapan namin.

"Gusto ko lang malaman," napapangising saad ko. Hindi ko iniwasan ang tingin ng Ford, ang kuya ni Fort. "Hindi naman atang masama malaman ko 'yun diba?" tanong ko at sabay baling kala Jaquey.

"What are you talking about?"

Mabilis akong napalingon sa kanya. " 'Wag niyo na sa'king ipamukha na hindi niyo alam ang pinagsasabi ko. Sabihin mo, isa ka rin ba sa kani-"

"Nick, shut your mouth!"

Napatigil ako sa sumigaw at sabay na lumingon.

Ngayon lang niya ako sinigawan.

Nagtataka akong tumingin kay Jaquey. "C-can you please stop asking him, Nick?" tanong niya sa'kin.

Napatingin ako sa mga taong naandito. Si Jaquey lang ang umeksena sa mga tanong ko.

"Tsk. Bakit? Takot ka na baka malaman kong isa rin siya sa mga kas-"

"I'm one of them. What's the matter?"

Tumahimik ako.

Silang lahat. Nasa iisang grupo.

Ngumisi ako. "Ikaw 'yung nasa hideout, tama ba?" tanong ko, pero hindi man lang siya umimik. "Tama ako, drof." pang uulit ko pa.

Rinig ko ang pagtawa ng iba sa kasamahan nila. Muli akong ngumisi.

Ang panget naman kasi talaga ng pangalan, akalain mo 'yun. Binaliktad lang.

"At ikaw din ang dahilan kung bakit napapahamak siy-"

"KUYA!"

Napatingin ako sa sumigaw na may halong pagtataka. "K-kuya..." sabat ni Fort habang umiiling.

"Why? H-hindi niya alam? Hahahaha. Seryoso kayo diyan? Di niya alam kung bakit-"

"Nasan si Karaleigh?!"

Napatingin ang lahat ng may sumigaw mula sa di kalayuan.

A-anong ginagawa niya dito?

"Asan si Karaleigh?" tanong niyang muli ng walang nagsalita sa'min.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Bakit ngayon lang siya nagpakita?

"I'm asking you guys. Asan siya?" pang uulit niya pa. Kita ko ang pag lagpas niya sa'kin at tumingin sa tatlong kaibigan niya. "Nasan siya?"

"Nasa operating room." wala sa wisyong sagot ni Fort.

Bakit parang wala lang ang lahat?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit ngayon lang siya nagpakita?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ford.

Simula ng dumating siya dito ramdam ko ang tensyon na bumabalot mula sa kanilang dalawa ni Ford.

The heck?! Fuck!

"Why?! Pinupuntahan ko lang si Leigh dito. May masama ba?"

"Anong kailangan mo?"

Tahimik. Lahat kami tahimik na naka masid sa kanila, na para bang may mamamatay kapag naki sabat. Pinanuod ko ang pag upo niya di kalayuan sa'kin. "None. I'm just con-"

"Are you concern? The hell- now. I'm asking you. Anong gagawin mo? At ano ang mga balak mo kung bakit ka andito?" tanong ni Ford.

Rinig ko ang pagtawa na talagang nag paikot sa tenga ko.

"Demonyo." kita ko ang panlaki ng mata nila Ate Clisha ng sabihin 'yun ni Ford.

"W-what?! Demonyo- sino?!" inis na tanong niya.

"Tsk. Tunog demonyo 'yung tawa mo- pero ano muna ang kailangan mo?"

Nag de-quatro ng upo ang babae at tumitig sa'min isa isa bago dumako ang paningin niya kay Ford. "I'm here to kill everyone of you."

Gulat akong napatayo ng may kinuha siya sa bag niya.

Fuck! Anong iniisip neto?!

Nagtaka ako kala Ate Clisha ng hindi man lang sila gumalaw. Hindi man lang sila na gulat. "B-bakit?" tanong ko ng tumingin sila sa'kin. "P-papatayin niya tayo... Wala man lang ka-"

"She's not gonna do that." muli akong tumingin kay Ford ng magsalita siya. Abot pa rin ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

Kita ko ang kamay niyang kinuha ang suklay.

Fuck! Suklay lang Nick, urong betlog ka na!

"Alam kong hindi mo kayang pumatay ng tao sa pang publiko. Tama ba ako Laxmi?" tanong ni Ford. "May takot ka pa rin sa batas, at alam kong ayaw mong mangyare sa'yo 'yun."

Kita ko ang pagtayo ni Laxmi at ang paglakad niya paalis.

Saan na naman siya pupunta?

"Laxmi..." tawag ni Garrett sa kanya.

Kita kong napatigil pa siya, pero diretso pa rin ang pag alis niya.

Ang tagal niyang nawala. Aalis na naman siya?

"A-ano bang nangyayare?" tanong ni Ate Clisha.

Tama. Anong nangyayare? Laxmi?

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon