Jannick's POV
Nagpalinga linga ako habang tumatakbo. Engot. Paano kung umalis siya, at hindji na naman papasok sa klase namin? Shit. Kailangan ko siyang mahanap.
Takbo lang ang ginawa ko. Marami pa namang tao ngayon dahil break time at talaga nga namang nagkalat ang mga tao rito. Rinig ko ang mga bungisngis ng mga tao, dahil sa nagmamadali ako ay hindi ko na sila pinagpapansin pa.
"Nick!" napatigil ako ng takbo ng may tumawag sa'kin.
Liningon ko iyon ng isang beses pero nadismaya lang ako dahil sumunod pala ang dalawa sa'kin.
"Nick!" tawag na naman nila.
Sheeettt. Nagmamadali ako!
Lakad takbo ang ginawa ko habang tumiting— Ayun! ayun ang mga kaibigan nila.
Tumigil ako at umayos ng lakad.
"Oh my g! The six will collide hehehehe."
"Ang hot talaga nila lalo na pagnagsama sama."
"I agree."
"Nick," hindi na ako lumingon pa dahil maabutan na naman nila ako.
Pinagmasdan ko lang sila na nagtatawanan at ng napatingin na sila samin ay napangisi na lang.
Eto yung mga baklang kasama nila Dexie.
Nagdiretso lakad lang sila na talaga nga namang nakakapang init ng ulo. Tumigil ako, "Fort." usal ko. Ramdam kong napahinto rin sila. Umikot ako para makita ang tatlo at tama ako, tumigil nga sila.
"Nick, anong gagawin mo?" tanong ni Clifton.
"Tama ako diba? Ikaw si Fort?" tanong ko sa nasa gitna, nakasama ko na nga pala ang mga 'to, nung time na nanghingi ng tulong sa'kin si Dexie.
Tumango siya at nagkibit balikat lang ang dalawang kasama niya. "Ano 'yun?" walang ekspresyong tanong niya.
"3 PM, basketball court ng KAS." saad ko.
Napatango na lang siya at nagtuloy na sa paglalakad.
"Maglalaro kayo? Sali ako." sabat ni Clifton ng magsimula na naman akong maglakad.
"I'm in." singit naman ni Kraven.
Kinunutan ko sila ng noo ng sabihin niya iyon. " Ano ba yang mga pinagsasabi niyo?" tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Rinig ko ang pagtakbo nilang dalawa. "A-ano 'yung sinabi mo doon?" takang tanong ni Kraven.
Ipinasok ko na lang ang kamay ko sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Ngayon malalaman ko na kung sino na talaga sila.
Nakaupo lang ako sa di kalayuan at inaantay ang tatlo. Kailangan kong malaman kung kilala nila ang mga kasama ko. Iniba ko rin ang place ng pupuntahan nila at ayun ay ang café shop.
"Hoy Nick!" narinig kong sigaw ni Ate Clisha.
Nakakunot ko iyong tinignan. Dalawang table amg pagitan ko sa kanila pero wala namang tao doon. Siniguro ko rin na hindi makikita ng tatlo sila Ate.
"Nick, ano ba kasi ang gag—"
"Hey dre!"
"Oy Jannick!" tinignan ko silang tatlong pumasok ng shop. Kita ko ring nililibot ni Fort ang paningin niya sa loob at labas ng café.
Problema nito?
Tumango ako at tumayo para makipagbatian.
Na hindi ko naman ginagawa sa iba.
"Bakit mo kami gustong makausap?"
"Order na tayo."
Kita ko ang pag seryoso ni Fort at nakatingin sa likod. Tumingin din ako at nakita ko sila Ate.
Tamang tama.
"Ate Clisha, dito na kayo pumwesto." sabat ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
"H-hindi na Nic—"
"Dali na Ate Jaquey, dito na ka— aray!"
Muli akong lumingon sa tatlo. Kita ko si Fort na inis na nakatingin kay Hachi... ata.
Tama nga ako.
"Magkakakilala kayo." napapangising anas ko.
"We're here, Nick."
Pagka upong pag ka upo nila Ate Clisha at Jaquey at tinignan ko na sila.
"Asan si Laxmi?" tanong ko. "Kayo ba ang—"
"Nick," tinignan ko si Ate Jaquey ng tawagin ako. "What are you saying?" takang tanong niya.
Napangiti ako. "Alam ko na Ate, hindi mo na kailangang itago sa'kin..." asik ko pa at tinignan si Ate Clisha na nakikinig. "I know that your part of the illegal organizatio—"
" 'Wag tayong mag usap dito." napangiti ako ng biglang sumingit si Fort.
Sabi na! Kasama rin sila.
