Laxmi's POV
"Oh my gosh!"
"Wh-what happened?!"
"Ghad! Tawagan niyo ang ambulansya!"
"Clifton!"
"O-oh gosh!"
Napakunot ang noo ko. Tumakbo kami papunta sa pinangyarihan. Maraming tao ang mga nagkumpulan at talaga nga namang masikip ang daan.
Sino naman ang pasimuno nito?
Napahawak na lang ako sa noo ko. "A-anong nangyare?" tanong ni Dexie, hindi makapaniwala sa nangyayare.
Nagtuloy lang kami sa pakikipagsiksikan sa mga tao... sa mga estudyante dito. "Excuse me," sabat ko dahil naiipit at naapakan na ako. "Makikiraan." saad ko pa at inayos ang salamin ko.
Rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante, mga taong nararaanan namin. "Excuse me." sabat naman ng nasa likod ko. Si Dexie.
Nang unti na lang ay nakita namin ang anim. Ang Trio at sila Jannick na nakapalibot kay Clifton. "Tawagan niyo ang ambulansya!" rinig naming bulyaw ni Kraven. Nagtuloy lang kami hanggang sa makita namin sila.
Napamaang ako. What the fuck! Binti lang?! "Anong nangyare?" tanong ni Dexie.
Pinagmasdan ko lang sila. Nakatalikod sa'min si Clifton, pero may iniinda. "Kita mo namang tinamaan ng bala diba?" pamimilosopo ni Asaika kay Dexie.
Nanahimik ako. Pinagmamasdan ang nangyayare. Nakatalikod si Clifton, at saktong nasa likuran ang tama sa hita niya. Pinagmasdan ko ang tapat ng hall. Ang building ng second year high school. Tinignan ko iyon. May gumalaw. "Perfect shoot." sabat ko at humarap sa kanila. Napapalibutan pa rin kami ng mga estudyante. Mga chismoso.
"What are you talking about?" mataray na sabat ni Fenech.
"Nothing," ani ko at nag compose ng text. " 'Wag na kayong tumawag ng ambulansya." saad ko pa.
"Patawagin mo—" hindi na tuloy ni Kraven ang sasabihin niya ng biglang may nagraragasang kotse papasok dito.
Nang makapark iyon sa harap ng ibang estudyante ay bumukas ang pinto. "Pasok na po." rinig kong sabat ng driver ng makalabas siya sa sasakyan.
Naglakad ako at pinagilid ang mga estudyante. "Kuya, patulong na lang po." sabat ni Dexie.
Wala ng nagawa ang Trio sa ginawa namin. Pinabayaan lang nila kami. Buti na lang pwedeng pumasok ang mga sasakyan kapag emergency.
Tinawagan ko si Karaleigh. "Asan ka?" tanong ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Pauwi na ako." sagot niya at narinig ko na lang ang pag putol ng linya.
Tumingin ako sa harap ng pinto katapat ng kwarto kung saan nandoon si Clifton. Ginagamot ng doktora. "Sinong may gawa nito?" tanong ko ng makalabas si Kraven sa pinto.
Hinarap niya ako at naki upo sa tabi kong upuan. "Hindi ko alam," pailing iling na sabi niya. "Bigla na lang siya natumba at nanghingi ng tulong sa'min." naka yukong paliwanag niya.
Napa singhal na lang ako. "Dito lang muna kayo, may pupuntahan lang ako," ani ko at tumayo na para sana maglakad na kaso biglang may kumapit sa braso ko. "Bakit?" walang ganang tanong ko
Tumingin siya sa'kin. "Thank you sa pagpunta niyo sa kanya dito sa bahay mo." saad niya.
Ngumiti lang ako. "Hindi 'to sa'kin, sa'ming tatlo 'to." sagot ko at naglakad na.
"Mag iingat ka!" sigaw niya.
Liningon ko siya. "Sige, andyan lang si Dexie tawagin niyo lang." ani ko at naglakad na.
Kailangan ko siyang makita, maka usap. Sila ang nakita ko, nakita ko sa building na 'yon.
Fort Balfour...
Fort's POV
Easy at pa cool lang akong bumaba sa hagdan. Napangiti ako dahil nakita ako ni Laxmi. Ihahatid ata nila 'yong natamaan na lalaki sa hospital. Napailing ako dahil for the first time pumalpak siya. "Nice one Blu." ani ko ng makita siya sa kabilang hallway na naglalakad. Naka talikod sa'kin.
Nang makababa ako ay pinagmasdan ko ang hall. Nagkakasiyahan pa rin ang mga estudyante. "Kahit may nangyare na, tuloy pa rin ang kasiyahan nila." imik ko, at nagpatuloy sa paglalakad.
Umuwi na siya, ano pa bang gagawin ko dito?
Napangiti ako ng makita ang garden sa kabilang way kaya doon ako tumungo.
Nang makarating ako ay pumunta ako sa cottage ng garden at doon pumikit para matulog.
"Fort!" rinig kong may tumawag sa'kin. Boses pa lang alam ko na. "Damn! Fort! Tumayo ka nga dyan!" bulyaw niya pa, pero hindi ko siya pinansin, tuloy lang ako sa pag kinig sa kanya. "Hindi ka gigising?!" tanong niya pa.
"Ano ba 'yon Laxmi?" tanong ko, habang nakapikit pa rin.
Alam ko na, tungkol 'to sa natamaan kanina.
"Sinong papatayin mo?" tanong niya.
Napalunok ako. Dumilat ako at umupo na. "Bakit may magagawa ka ba?" diretsong tanong ko. Nakita ko siyang umirap sa'kin. "Ngayong alam mo ng may pinupuntirya ako, sasabihin mo na ba sa kanila?" tanong ko.
Napabuntong hininga siya. "Isa pang pagkakamali Fort," seryosong saad ni Laxmi. " 'Yang bala mo, mapupunta 'yan sa'yo." ani niya at tumalikod sa'kin.
"Pfft... Sa tingin mo ako ang may gawa niyan? Humarang ang lalaking 'yon," protesta ko. "Mapaparusahan siya dahil hindi niya nagawa ang nautos sa kanya, at may nadamay pa." pailing iling na sabat ko dahil umaalis na siya.
Dahil sa lalaking 'yon, magkakaroon siya ng kaparusahan.
Nakita kong napatigil si Laxmi pero nagtuloy pa rin sa paglalakad. "Paano ka naka pasok?" rinig kong may nagtanong mula sa likuran ko. May kasunod pa pala.
Lumingon ako at nakita ko ang babae ding naka salamin. "Sa gate ng school niyo." pamimilosopo ko sa kanya.
Pinagmasdan ko lang siyang lumapit at umupo sa tapat ng inuupuan ko. " 'Wag mo kong gaguhin Fort," sabat niya at pinag krus ang hita. "Sinong kailangan mo dito?" tanong niya.
Pinagmasdan ko lang siya. Si Dexie. "Iba ang tinatarget niya," panimula ko. "Pero sa susunod pa kayo." seryosong saad ko.
Tumaas lang ang kanang kilay niya. "Is that so?" mataray na tanong ni Dexie sa'kin. Kahit kailan talaga.
Napangiti ako. "Sabi na nga ba, wala lang 'to sa inyo." natatawang saad ko.
"Sino ang nakatama kay Clifton?" tanong niya sa'kin. Seryoso at may pag aalala sa mukha niya.
Kumunot ang noo ko. "Ah 'yun ba 'yong lalaki kanina?" tanong ko. Nagmamaang-maangan.
" 'Wag mo na kong paikutin Fort, alam mo kung anong tinutukoy ko." asik niya.
Ngumisi ako. Alam ko na. "Bakit may gusto ka ba sa kanya?" tanong ko dahil 'yon ang nakikita ko sa mga kilos at mata niya.
Umayos siya ng upo. "Wala," sagot niya. "Pero may kailangan kami sa kanila." sagot niya at inikot ang paningin.
Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. "Ito ba 'yong sinasabi niyo?" tanong ko.
Ngumiti lang siya.
Alam ko na ang ibig sabihin niya.