Karaleigh's POV
Umupo ako sa bench pagkatapos kong bumili ng pagkain. "KYAAHHH!" sigawan nila.
Napa buntong hininga na lang ako sa kawalan. Ang iingay talaga nila pag heartrob na ang usapan. "Ang lalandi," biglang singit ni Laxmi, nasa kanan ko ngayon. "Penge nga ako." sabi niya at kumuha sa pagkain ko.
Tinapik ko iyon. "Bumili ka doon. Kapal neto." biro ko. Aba, nag pakahirap akong pumila doon, tapos siya hihingi lang? "Naasar na ako't lahat lahat tapos hihinga ka. Bumili ka na lang." angal ko pa. Gutom ako!
"KYAAAHHH!"
"NICK, SHOOOTTT MOOOO!"
"OH MY GOSSSHHH!"
Napatingin ako sa baba, dahil sa ingay ng babae. "Did you see that?!" napatingin ako sa kaliwa ko. Si Dexie.
Napakunot ang noo ko, sabay lingon kay Dexie na naguguluhan. "Huh?" naguguluhang tanong ko.
Kumain ako ng pagkain ko. "Bibili lang ako." sabat ng nasa kabila ko.
"Sige." sagot ko habang naka tingin parin kay Dexie.
Tumaas ng kamay si Dexie. "Lax ako rin ah!" sigaw niya na dahil sa ingay ng tao dito.
Inalog ko ang braso ni Dexie. "Ano 'yon?" pangungulit ko. Ang tagal kasi. Ano ba kasing pinagsasabi niya?
Lumingon naman siya sa'kin. "Ikaw kasi!" maktol niya at pinalo ako, binawian ko rin siya. "Yan tuloy hindi naka shoot si Papa Nick!" bulyaw niya sa'kin.
Batukan nga!
"O-ouch! You're so harsh!" ani niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Anong hindi? Di kita maintindihan!" sigaw ko dahil naguguluhan ako.
"Kasi! Dahil sa'yo hindi tuloy siya naka shoot. Arrghh! Talo na ang section natin." angal niya habang nakatingin sa baba at nanunuod.
Napatingin na lang ako sa score nila. "Fudge you!" bulyaw ko. "Sinong niloko mo?" angal ko. "Sila nga ang nangunguna!" sigaw ko pa.
Anong problema niya? Talo na daw ang section namin? Kalokohan.
"Yieee! Bumawi sila!" sigaw na naman niya.
"WOOOOO! GOOO JAAADDDEEEE!"
"JJJJAAADDDEEE FOR THE WIN!
" JAADDEEE!" sigawan nila, lalo na ang mga ka section namin!
Inalog alog ako ni Dexie hanggang sa matapon ang popcorn ko. "Stop that, will you?!" bulyaw ko dahil umunti ang pagkain ko.
"Oh my gosh! Panalo na!" sigaw niya sa'kin.
Nanahimik ako at hindi na nag salita pa. Tiniis ko na lang ang ingay ng mga estudyante dito sa loob ng gymnasium. Section namin laban sa kabilang building.
Haay... Excited na ako sa mangyayari bukas. Going to the party na! At makikita na namin ang Stone! Yuhooo!
Minuto rin ang lumipas ng kanilang paglalaro. "Last five minutes." sabat ng commitee sa baba.
Lumingon ako sa kanan ko. "Asan na si Laxmi?" bulong ko sa sarili ko at lumingon kay Dexie. "Dex, asan na si Lax?" tanong ko sa kanya.
Liningon niya ako. "Ay hindi ko alam! Bakit kasama niya ako?" bara niya sa'kin. May dinukot ako sa bag ko. "Hehehehe, joke!" sabi niya at nag peace sign.
