Jannick's POV
Nang maihatid ko si Jaquela sa Pre-school ay siyang bigla namang tunog ng speaker pagkapasok ko sa CStone High. "Attention everyone." sabat ng speaker pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil maririnig ko rin 'yon. Ang dami ba naman ng speaker dito sa campus na ito. "Ang nagmamay-ari ng ating tinatapakan at pinag aaralan ngayon ay darating na sa mga susunod na araw. Kaya panatilihing malinis at walang pakalat kalat na estudyante sa hallway. Yun lamang at maraming salamat." Pupunta na sila? "Attention everyone. Ang nagmamay-ari ng ating tinatapakan at pinag aaralan ngayon ay darating na sa mga susunod na araw. Kaya panatalihing malinis at walang pakalat kalat na estudyante sa hallway. Yun lamang at maraming salamat." pang uulit pa nila.
"Seryoso? Darating na sila?"
"Oo 'yon ang sabi."
"Finally makikita na rin natin sila." bulungan ng mga nadadaan ko.
Walang imik lang akong nagdiretso papunta sa room ko. Pero dekada na rin daw na hindi nagpapakita ang may-ari ng CStone High. Siguro nagtatago?
"Pre saglit!" rinig kong sigaw mula sa likuran ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilala ko na siya. "Narinig mo 'yon? Darating na daw ang may ari ng school. Hahahahaha." natatawang sabi niya habang naka pantay na sa'kin.
Sinulyapan ko lang siya at bumaling ulit sa dinadaanan namin. "Malamang, ang dami ng speaker dito." sagot ko.
"Hooo! Pre oo na lang." bulyaw niya sa'kin.
Nanahimik na lang ako at hindi na umimik pa.
Naalala ko na naman kahapon. Nung Sunday. Nahanap na kaya siya? As I know, wala lang kala Dexie 'yon dahil hindi man lang siya kinabahan... same as Laxmi.
Bakit ganoon sila sa kaibigan nila? Kitang kita ko 'yon. Bigla siyang hinila papasok sa puting van at mabilis na pinaandar iyon.
"Hoy! Nick ano na?" bulyaw sa'kin ni Clifton.
Diretso lang ako at pumasok na sa room namin. Andito na rin pala kami. "Anong ano na?" kunot noo kong tanong at diretso sa pag upo pero pinasadahan ko muna ng tingin ang mga naka upo sa likuran ko. Wala sila.
Ramdam kong umupo na rin si Clifton. "Kung nakita mo na ba ang may ari ng School na'to?" tanong niya.
Kumunot na naman ang noo ko. "Ni wala ngang nakaka alam sa kanila diba?" sagot ko. "Dekada din 'yong hindi sila nagpakita." sagot ko dahil yon ang sabi ng iba.
"Ay oo nga— Oh Kraven!" singhal ni Clifton.
"Daldal mo." baling ni Kraven kay Clifton ng maka upo siya sa gitna namin.
Ramdam kong tumingin siya sa likuran. "Hinahanap mo 'yong nerd 'no?" mapang asar na baling ni Clifton kay Kraven.
"Tch. Nagtataka lang sa nangyare kahapon." sabat naman ni Kraven habang inaayos ang bag.
Sobrang nakakapagtaka ang mga nerds na 'yon.
Umayos naman ng upo si Clifton. "Kataka taka naman talaga yang mga 'yan." sabat pa niya.
Bumuntong hininga na lang ako dahil tama sila. Ang mga galawan nila nakakapanghinala.
"Wait nga lang," biglang sabat na naman ni Clifton. "Bakit ba ka-aga aga pinag uusapan natin ang mga 'yon?" nagiisip na tanong ni Clifton.
Napa-ayos ako ng upo. Sa totoo, hindi ko rin alam kung bakit sila ang pinag uusapan namin. Siguro minsan na rin namin sila nakasama sa fast few weeks dahil sa groupings. But the only one question running in my mind... Sino ba talaga sila?
