MT 15

3.9K 86 1
                                    

Karaleigh's POV

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko. Hindi pala ako... kami pumasok tatlo. Siguro may mga exams kami na kailangan naming habulin. Tch. Ang sakit kasi ng ulo ko mula kahapon eh.

Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko. Maligo... Magtooth brush... Magbihis at mag ayos. Nang matapos ko ang lahat ng mga 'yon ay humarap ako sa telepono dito sa kwarto ko. At nag dial. "Morning, masakit ang ulo ko kaya padalhan mo kami ng makakain." sabi ko at binaba na. Masakit ang ulo ko kaya wala akong ganang mag luto ngayon.

Kinuha ko ang laptop mula sa drawer ko at tumutok doon. Nasa facebook app ngayon ang gamit ko ng biglang nag pop ang message box ko.

Tinigan ko iyon at napangiti nalang. Si Fort.

• Fort Balfour: Hi... How are you?

Tanong niya sa chat, tinignan ko ang relos ko. 5:30 AM na kailangan ko ng bumaba.

Nagtype ako...

• Karaleigh: Text na lang kita. :)

Kasabay nun ay ang pag out ko sa facebook at tumayo para itabi ang laptop.

Dumiretso na ako pababa ng hagdan at nakita ko sila na nasa salas. "May update sa CStone High," panimula ni Laxmi, at humakbang naman ako para sa huling baitang. "Nakalagay dito, darating daw ang Stone Family." saad niya pa.

Umupo ako. "Oo nga excited na tuloy ako, at tsaka formal daw ang susuotin." nakangiting sabat ni Dexie.

Ngumiti na lang ako. Pati ako nadadala sa ka-excitemetan ni Dexie. "Ehhh... Kailan daw?" nakangiting tanong ko habang inaalog alog ang braso ni Dexie.

"Aray naman! Sa friday daw 'yon." sigaw ni Dexie sa'kin at tinanggal niya ang kamay ko.

"Ano naman ang susuotin?" tanong ko ulit. Wah! Kailangan ko ng magpagawa ng susuotin.

Tumayo si Laxmi. "Formal daw eh." sagot niya at nagtungo sa pinto dahil may nag doorbell.

Binaling ko ulit ang tingin kay Dexie na halatang excited sa mga gantong okasyon. But believe it or not kahit nerds kami ay mayayaman naman kami. For sure in-grande ang magaganap sa friday.

"Ano kayang susuotin ko? Long gown? Short gown?" nakatingalang sabat ni Dexie habang nagtatanong sa sarili.

"Gaga!" bulyaw ni Laxmi habang may dalang pagkain. Ito na ata 'yon. "May pinadala ka daw." sabat niya pa.

Tumango ako. "Oo, dito mo na lang yan 'wag na sa dining." sabi ko habang tinatap ang pa-rectangle naming lamesa sa salas. "Tinatamad ako eh, masakit ang ulo ko." sagot ko pa.

Wala namang nagawa si Laxmi kundi sundin ang inutos ko. "Masakit pa rin ba?" tanong naman ni Dexie na naka harap sa laptop.

Nilingon ko siya. "Malamang Dexie ikaw ba naman ang mauntog sa van diba?" pambabara ko sa kanya. Aba sinong niloloko ng babaeng ito? Matapos ka ba naman ipagsiksikan sa van ng mga lalaking 'yon eh.

"Kumain na tayo," singit naman ni Laxmi. "May pasok pa tayo." sabat niya pa.

Linapag naman ni Dexie ang laptop niya sa couch at ako naman ay bumaba na at umupo sa sahig para comfortable at hindi mahirapan sa pagkain.

Kumain lang kami ng kumain pero tahimik lang, syempre gutom eh. Pfft. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si Dexie. "Ay Leigh," banggit niya. Tumingin ako doon habang kumakain. "Nagchat sa'kin si Fort." sabi niya pa.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon