Jannick's POV
Lumabas kami ilang minuto matapos ang bell, naka ayos na kami kanina pa.
"Gutom na ako." rinig kong asik ni Kraven.
Diretso lakad lang kami. Nasa dining hall ang breakfast pang lahat kaya kailangan pa namin pumunta doon.
"Hindi lang naman ikaw Kraven." asik naman ni Clifton.
Hindi ko na sila masyadong pinansin pa at nagtuloy tuloy na lang papuntang dining hall.
Nang makarating kami ay tumingin agad ako sa mga table.
"Ang daming pagkain." anas ni Clifton.
Pumasok kami doon, kasabay ang mga ibang estudyante. "Stone ba naman eh." sagot ni Kraven.
Tumingin ako sa mga taong kumakain ng may makita ako. "Sila Ka—"
"Bilisan niyo." sagot ko at pamulsang naglakad.
Andito kami ngayon sa isang hilerang pagkain.
Tsk. Kumukuha ng order.
"Bilisan niyo mapupuno na ang table." asik ni Kraven.
Nang matapos kong kumuha ay diretso lakad lang ang ginawa ko. "Saan tayo uupo?" tanong ng nasa likuran.
Ngumisi ako, unti na lang ang mga vacant seat.
"Our responsibility." sagot ko na lang at nagtuloy sa paglalakad.
"Oh..." saad nila.
Nakikita ko silang nagtatawanan, habang papalapit kami ay biglang napatingin si Dexie. "Bakit?" kunot noo niyang tanong.
Nasa tapat na nila kami ng lumingon sa'min si Karaleigh. "Wala ng vacant seat." sagot ko.
Lumingon si Dexie sa paligid. "Meron pa oh, sus ang dami pa kaya." protesta niya.
"Pwede ba panget na nerd paupuin mo na lang kami." maktol ng isa.
"No!"
"Aba't!"
"Bakit kami nauna dito!"
"Eh wala na nga eh!"
"Edi maghanap kayo! Kung sa sahig edi sa sahig!"
Linagay ko ang tray ko sa table nila kaya tumahimik ang dalawa. "Masikip na dito Nick!" bulyaw sa'kin ni Dexie.
Liningon ko siya. "Hindi dito masikip, inisip mo lang." sagot ko at tinignan si Karaleigh. Pinanlakihan ko siya ng mata!
"Dexie, hayaan mo na." lalong lumaki ang mata ko!
Takot ba siya sa'kin? Pfft.
"What?!"
"I said, paupuin mo na sila."
"Pero hind—"
"We're in a group right?"
"Yes pe— Tsk. Kayo pala ang —"
"Dami pang satsat." bulong ni Clifton at umupo na.
Hindi na rin ako kumibo at umupo na lang. Naalala ko na naman kagabi. Tsk!
Nagawa ko ba talaga 'yon? Ang makipag kaibigan sa kanya? Demmit!
"So?" napatingin ako sa nagtaray na si Dexie.
"Manahimik na nga lang kayo." suway naman ni Kraven.
