♡—
I told myself to update atleast three times a week, but I can't. Imma go with two times a week is dat okay?
I'll try my best to do it or add another chapter, so be patience.
Lablots ;)
—♡KRAVEN'S POV
Pinagmasdan ko si Rain na gumilid habang pumupunta sa isang poste. Pinagmasdan ko lang siyang gumalaw habang naglalagay ako ng bala sa naubusan kong baril.
Napaiwas ako ng tingin ng pagmamasid sa kaniya ng makita siyang napatingin sa'kin, o sabihin kong sa likuran.
"Get your shit, Kraven..."
Kahit napaka ingay sa paligid ko ay rinig na rinig ko pa rin ang sinabi niya. May halong inis 'yun, halatang gusto sa'kin ipatama ang bala ng baril na tumagos sa sinusulyapan niya.
Kanina pa kami nagpapalitan ng putok ng baril at marami na rin kaming napapatay. Alam kong hindi pwede kumi— nako naman! Kasalanan na naman 'to!
Umiling na lang ako at nagmadaling linagay ang magazine at pinagtuunan ng pansin ang tinamaan niya kanina lang.
Part of the Webster.
"Okay ka na ba? Hindi ko na ba kailangang gwardiyahan ka?!" tanong na naman niya.
Umiling ako at ngimiting tumingin na sa paligid. Paligid kung saan nagpapalitan ng mga putok ng baril.
Nakayuko ako habang pumupunta sa tabi niya dahilan para mapadapo ang mga kamay niya sa ulo ko, binabatukan ako!
Ano na naman bang kasalanan ko ha?!
Inis na nakatingin siya sa'kin pero panandalian lang 'yun. Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang nakapatay kay Azuka o hindi, ang tanga mo namang hindi pinapansin ang paligid." asik na naman niya pagkatapos niya akong paltukan.
Mahina lang akong natawa kahit na may bigat pa rin sa nararamdaman ko kanina. Hindi ko iniexpect na papatayin niya ng ganun kadali ang kaibigan ko.
"H'wag mo 'kong tawanan, mag focus ka sa misyon naten." untag niya na naman at muling nagpaputok ng bala.
Tumango na lang ako. Hindi pwedeng basta basta ko na lang iwasan ang mga kalaban. Kailangan naming matapos 'to, hindi dahil sa nagmamadali kung ano, kundi gusto kong maihatid kay Tita ang labi ng anak niya.
Si Clifton.
Bumuntong hininga ako ng bigla ko na namang maalala ang kanina. Mamaya na, mamaya na ako— fuck! Ano na lang sasabihin ko kay Tita? Pati na kay Ate Clisha?!
Ilang buwan na rin kaming nagkakasama nila Clifton at dahil sa isang event na tuluyan na ang anak niya! B-bakit ba kasi napakamalas ni Clifton at lagi na lang siyang natatamaan ng bala?
Puta naman!
"I said get your shit together Kraven!"
Nawala ako sa lalim ng pag iisip ng marinig at makita kong tuloy tuloy ang pagbaril ni Rain.
Shit.
Mabilis kong tinutok ang handgun ko at mabilis na pinindot ang gatilyo sa lalaking sumulpot sa likuran namin ng partner ko.
