Jannick's POV
Bahagya akong umiwas ng tingin ng makita siyang lumingon.
Tengene, bakit hindi ko magawang magtago?!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko ng magsimula na naman siyang maglakad.
Bakit ba napakasimple mo lang pero may mga tinatago ka na katangian na imposible mong magawa.
Napapikit ako ng ramdam kong nagba-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Napakamot ako ng ulo at tuloy pa rin sa pagsunod sa kanya.
"O, problema?" bungad ko.
"Hindi mo siya kailangan sundan 24/7 ," usal sa'kin. "Just eye on her it's okay." sabat niya pa.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Karaleigh. "I volunteer. Hindi ko naman 'to ginagawa dahil sa sinabi mo, ginagawa ko 'to dahil naninibago ako sa kanya." sagot ko at pinatayan siya ng tawag.
Lumiko si Karaleigh kaya lumiko ako. Shit! Bakit dito pa?!
Karaleigh's POV
Ramdam kong kanina pa siya nakasunod sa'kin. As in kanina pa. Sino ba naman ang hindi makakahalata doon? Lahat ng dadaanan ko may napapatingin na mga babae sa likuran ko. Engot lang talaga ni Jannick kung magtago.
Napangiti ako ng maisip ko kung saan ko pupunta. Ewan ko lang kung makasunod ka pa.
LADIES
Bumuntong hininga akong tumapat sa salamin at nilagay ang bag sa ibabaw. Ramdam kong kanina pang may nagtetext sa'kin at tumatawag.
———
From: Fort,
He's following you
We need you
We have a meeting
———
Shems!
May meeting pero wala ako, takte! Tapos naka sunod pa sa'kin si Jannick. Paano 'to?
Tinawagan ko si Fort.
["Hi, papunta ka na ba?"] bungad niya sa kabilang linya.
Umiling ako. Ni lock ko ang pinto ng CR at nakita ko pang may nakatayong tao sa gilid.
"Bantay sarado ako ni Blade," usal ko habang isa isang hinahampas ang bawat pintuan kung may tao. "Call the fangirl." sabat ko pa at sumandal sa isang pinto.
["Call, we'll wait for you. SE45 apartment." ]
"Okay," huling saad ko at binaba ang pagkakatawag. "1..." bilang ko, "2..." sabat ko pa, "3... I'm sorry Blade." sabat ko at kinuha ng gamit ko.
"KYAAAAHH!"
"OH MY GOOSSSHH!"
Binuksan ko ang pinto ng CR at lumingon. Kita kong napatingin si Jannick sa direksyon ko. "Leigh!" bulyaw niya pero hindi ko na pinansin pa, at tuloy lang ako sa paglakad.
Ramdam ko na naman ang vibrate sa bulsa ko at kinuha iyon. ["Andito na ko sa parking."]
"Buti naka lusot ka, matinde ang guard dito sa school siguraduhin mong makakalabas tayo." asik ko habang naglalakad.
Rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. ["Nakapasok nga ako, 'yung pag labas pa kaya? Tsk. Basic."] pagmamayabang niya.
Napairap na lang ako sa kawalan. "May nagmamanman sa'kin, all in," ani ko at nilayo ang pagkatapat ng cellphone sa tenga at sabay tapat sa mata ko. "Gotcha, girl." anas ko.
"Got it."