Jannick's POV
Inayos ko ang buhok ko sabay baling ng oras sa wrist watch ko. It's 1 o'clock in the afternoon. "Nick," katok ng nasa labas ng kwarto. "Papasok na ako sa room mo ah." sabat niya at narinig ko na lang ang pag bukas ng pinto.
Nilingon ko iyon at nakita ko si Jaquela. "Bakit?" tanong ko habang naka tingin sa kanya. Napaka inosente.
Napanguso siya. "Anong oras ang uwi mo?" tanong niya sa'kin, habang naka yakap sa teddy bear na binigay sa kanya. "Iiwan mo ko kay Yaya Beth 'no?" paninigurado niya.
Tumayo ako at naki pantay sa kanya. "Hindi ko alam Jaquela kung anong oras ang uwi ko pero bibilhan na lang kita ng pasalubong." saad ko.
Nakita ko siyang ngumiti. "Really?" paninigurado niya pa.
Tinap ko ang ulo niya, "Yeah," sabat ko. "O sige na maglaro ka na don sa kwarto mo." saad ko pa at sinunod niya naman. Kinuha ko ang sapatos at sinuot iyon.
Nagring ang phone ko kaya kinuha ko iyon. "Sino 'to?" tanong ko ka agad dahil unknown number ang tumawag sa'kin.
Bumungisngis ang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. Sino na naman ba 'to? "Hindi mo na ako kilala," malungkot na sabi niya. Ngayon alam ko na! "I'm Azuka." maarte at malanding sabi niya.
"Fuck," bulong ko. "Sino ang nagbigay ng number ko sa iyo?" inis na tanong ko.
"Makamura ka naman," ani niya pa. "Hiningi ko kay Clifton." sagot niya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Sabi kasi ni Ma'am kailangan daw ng ka partner pag pumunta doon." paliwanag niya.
Tumingin ako sa salamin. "O anong gusto mong gawin ko?" tanong ko pa sa kanya.
Rinig kong napa mura siya. "You're so rude Jannick, basta ikaw ang ka partner ko," sabat niya. "Bye, see you at the gate." mabilis na sabi niya.
"Hin— Damn!" bulyaw ko dahil narinig ko na lang ang pagbaba ng tawag niya.
Tangina! Hindi ko naman kailangan ng ka partner sa party na 'yon.
Naka park ang kotse at andon sa loob ang driver ko, syempre nasa labas ako at nakasandal. "Where are you?!" bulyaw ko kay Kraven na kausap ko ngayon sa cellphone.
"Papunta na ako, ewan ko lang kay Clift." ani niya. Pinatay ko na iyon at tinawagan si Clifton.
"Where the hel—" naputol ang sasabihin ko.
"Pababa na kami." saad niya. Pinatay ko na rin at nilagay ang cellphone sa bulsa ng suit ko. Sinilip ko ang kalsada at nakita ko ang sasakyan ni Clifton.
Tinignan ko ang parking lot, nasa first floor kami ng paking lot ngayon sa likod ng CStone High. Maraming mga sasakyan, pang mayaman na sasakyan. Tinignan ko ang gate ng school. Maraming mga naka all black at ang lalaki ng katawan. Tss.
"I'm here." saad ng lumapit sa'kin.
Liningon ko iyon at nakita ko na rin na kasama na niya si Kraven. "Bakit mo binigay ang number ko?" bungad ko ka agad kay Clifton. Mga naka formal suit din sila.
Kita kong napakamot siya sa batok niya. "Ang kulit kasi ni Azuka eh." natatawang sabat niya.
"Dap—" naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita. Ang speaker.
"Magandang tanghali mga estudyante ng CStone High, magsisimula na po tayo pagkalipas ng sampung minuto."
"Kailangan ng kapartner." biglang sabat ni Kraven.
