MT 30

2.4K 56 0
                                    

>>> Fast Forward <<<

Clifton's POV

Nag unat akong naglakad sa hallway ng campus. Anong month na ba ngayon? Tch.

Buti na lang talaga at gumaling na rin ako mula sa bala ng baril na 'yon. May pagka pilay pa ako nung maglakad. Bwisit!

Heto ako pinagtitinginan na naman ng mga chikababes dito sa campus. Wala na ba silang ginawa kundi ang titigan ako?

Pfft.

"Hachi!" napalingon ako sa sumigaw, kahit hindi ko pangalan.

Nakakarindi sa tenga!

Nakita ko ang babaeng, mahaba at magulo ang buhok at may salamin. In short... Si Panget na nerd!

"Hachi!" sigaw na naman niya.

Sino ba 'yon? Alaga ba nila 'yon? Baka aso o kaya naman pusa.

Hindi ko na siya tinignan pa at naglakad na lang, "Hachi! Aish! Stupid!" rinig kong sigaw niya.

Malapit na dito! Linagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ko. "Hachi! Damn!" sigaw niya.  Pinahaba ko ang binti ko para... "Fishtea! Ar—ouch!" sabat niya.

Napalingon ako sa babaeng naka dapa ngayon sa sahig. "Pati ba naman sa sahig ng huhuli ka ng isda?" natatawang tanong ko habang nasa kanya ang paningin ko. Kinukuha niya ang salamin nya. "O ilan ang nakuha mo? Pwede na bang pang isang araw?" tanong ko pa.

Rinig ko ang mga tawa ng estudyante ng pinatid ko si Panget na nerd.

"Hahahaha! Tama lang 'yan sa kanya!"

"Tss. Ang ingay ingay, akala naman kung sinong maganda!"

"Oooohhhh!"

"Wahahahaha!"

"Tsk! Tsk! Ilinulugar kasi dapat ang mga maiingay na basura!"

Napangisi na lang akong tumingin sa paligid at tum— "You mess with a wrong person Mr. Aze." ani niya.

Kumunot ang noo ko at napahawak na lang sa pisngi ko!

"Oh my gosh!"

"Did I see it right?!"

"Sinapak niya si Clifton!"

Kunot noo lang akong tumingin sa kanya... sa likuran niya dahil naglalakad na siya palayo.

Tama ba? Si-sinapak niya ko!

Inis akong tumingin sa bwisit at panget na nerd ng may maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. " 'Wag kasi ganun bro..." natatawang ani ng lalaki.

Linakasan ko ang pag alis ng kamay niya sa balikat ko.

Tch nababakla ata 'to eh.

Liningon ko siya. "Sino ka ba ha?!" inis na tanong ko at nakipagpantay ng tingin. "Hindi ka naman CStone!" anas ko.

... Pero tinalikuran niya lang ako! At naglakad na palayo!

"Ang pogi niya!"

"O my hot!"

"Handsomenessssss!"

"Full packaged na ang campus na'tin!"

"Except with the nerd!"

Naikuyom ko na lang ang kamao ko. "Asshole!" singhal ko.

Walang pwedeng bumangga sa'kin! Samin!

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon