MT 5

6.7K 143 0
                                    

Jannick's POV

Pagkatapos ng dalawang subject ay napagpasyahan naming tatlong bumaba, "Kyaaaahhhh!"

"Ayan na silaaaaa!"

"Popoggggiiii!"

Hindi na namin sila pinansin dahil kami lang naman ang tinitilian nila. "Wait!" rinig naming sigaw.

Hindi namin iyon pinansin, "Sino 'yan?" tanong ng mga babae sa gilid namin.

"Baka transferee."

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad. "Pre, ano bang meron sa Org. School?" panimula ni Kraven.

Nagtuloy tuloy pa rin kami sa paglalakad. "Huh?" tanong ni Clifton.

"Tanong ko, ano bang meron kako sa Org. School?" tanong ulit ni Kraven

"Wait!" napatigil kami sa sumigaw.

"Who's that girl?"

"I think she's new here."

Lumingon kami at nakita na lang namin si, "Oh Azuka Hermendez, right?" tanong ni Kraven ng tumakbo siya papalapit sa'min.

Tumigil siya at hinawakan ang tuhod niya, "K...ka...kanina pa a...ako sumisigaw di...to, pero di...re dire...tso lang kayo." sabi niya habang naka tungo pa rin.

Kumunot ang noo ko. "Sino ba kasing nag sabing sumigaw ka, at habulin kami?" tanong ko.

Tinignan niya ako at nagtama ang paningin namin, pero ako ang unang umiwas. "I... i just... want to co... come with you." sagot niya sa'min.

"She's so flirt."

"Slut that girl."

"Paawa effect pa."

Liningon ko sila Kraven at Clifton, naka tingin sila kay Aku... akuza? What's her name again?!

"Please, I'm not familiar at this place." sabi pa ni Akuza ba? "So by the way I'm Azuka." pakilala niya. Tss. Azuka pala! Inilahad niya ang kamay niya, "Hi." sabi niya pero inawasan ko lang ang kamay.

Kinuha naman iyon ni, "I'm Clifton." pakilala ng playboy sa'min.

"Waaahhh!"

"Hinawakan 'yong kamay ng babae!"

Ngumiti sa kanya si Azuka. "Hello, I'm Kraven." pakilala naman ng isa.

Hindi ko na sila pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. "Follow." sabi ko na lang at dumiretso sa canteen.

"So is this the canteen?" tanong ni Azuka.

Pumasok lang ako at umupo na sa upuan, sa table na lagi naming pinupwestuhan. "Yes." sagot ni Clifton.

"Can I sit na?" maarteng tanong ni Azuka.

Tinignan ko siya at naka ngiti lang siya. "Okay." masayang sabi ni Kraven.

Narinig ko na naman ang mga tilian ng tao sa paligid, at mga komento nila.

"Anong bibilhin niyo?" tanong ulit ng babae.

Tumawa naman si Kraven. "Pfft. Just wait." sabi niya. "3..." bilang niya pa.

"2..." bilang naman ni Clifton

"1..." sabay na bilang ng dalawa.

"For you." sabi ng mga babaeng nagdadala sa'min ng pagkain.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon