Jaquey's POV
Nakatingin lang ang lahat sa ginagawa ni Ford, ang kuya ni Fort. Lahat kami walang ginawa kundi ang manuod sa lalaking nakaupo sa tapat ng computer. Grabe! Bakit kasi hindi ako nabiyayaan ng kahiligan sa computer e, ni wala akong alam kung paano mang hack!
Shemay 'yan! Kung pinag aralan ko lang talaga 'to!
"Hooops." napatingin ang lahat ng magsalita siya.
"Oh bakit Ford, anyare?!" tanong ni Clisha.
Napatingin lang ulit ako sa monitor. "Shit! Mali..." usal ko.
Tutok lang ang paningin ko habang nakatingin lang sa pulang monitor. "Ba-bakit di ko ma activate? Malupit ata ang may hawak ng access nito ah. Tangina, papahirapan pa ako." ungas ni Ford.
Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. "Paano natin malalaman 'yung access kung hindi natin mapasok?" nag aalalang tanong ko.
"Hindi pwede 'to." bulong ni Clisha.
Bumuntong hininga ako at umalis sa pwesto.
Siguro may mas magaling pa keysa kay Ford.
Muli akong napalingon sa pwesto nila Ford. "Sa tingin niyo sino ang naka profile na hacker sa NO—este sa N?" tanong ko at napaisip.
Wala pa akong nakikita na may profile sa NO. Kahit isang tao wala pa akong nakikitang member ng NO.
Pero may isa kaming pinaghihinalaan doon... Si Laxmi Ley. Paano niya nagawa sa'min 'to?
"May hinala kayo?" biglang tanong sa'min ni Ford.
Umiling lang ako. "Hindi tama ang maghinala." buntong hiningang saad ko.
Ayokong maniwala na kasama siya doon.
"Pero sa bawat hinila may tumatama." singit ni Clisha.
Bumuntong hininga ako. "Malay niyo naman napilitan lang siyang sum—"
"Sige na, tama na, ipagpabukas na lang natin 'to. Alam ko naman na mahirap paniwalaan 'yung sinabi ko sa inyo dati, pero susubukan ko siyang kausapin." pagpuputol ni Ford sa sinasabi ko.
Naglakad na ako palabas ng kwartong iyon at umalis na sa pamamahay na iyon. Actually, hindi siya bahay. Sa labas, yes. But inside of this fucking house it's not! This house is full of danger armor. Combat, check. Guns, check. Bomb, check. Lahat na nga ata ng mga pang laban andito na, even a samurai is in there. This house is full of danger, lahat ng sulok animo'y may nakatingin.
Tumingin ako sa kotse ko, wala namang kahina hinala. Inunlock ko iyon at sumakay na. Ngayon andito ako sa sasakyan para umuwi ng bahay.
Bagsak akong umupo sa sofa at pumikit. Nakakapagod ang araw na'to.
"What?! Paano ko gagawin 'yun?" rinig kong may bumubulyaw galing sa kusina. "Ikaw na ang nagsabi na hindi ko siya mababantayan ng 24/7, tapos ngayon? Ngayon, gusto mong bantayan ko siya sa bahay niyo?!"
Bantayan? Sino naman ang babantayan ng kapatid ko? Aber?
"Saglit nga lang Smith, ikaw ang kasama niya sa bahay ba't di na lang ikaw ang magbantay?!" sigaw niya na animong nakalunok ng mikropono. "Hanggang tingin lang ang magagawa kong pagbabantay kay Karaleigh, Dexie."
Napamulat ako ng mata at umayos ng upo.
Fuck! Kaya pala pamilyar ang Smith, Dexie at Karaleigh.
![](https://img.wattpad.com/cover/87400930-288-k94704.jpg)