Dexie's POV
Gosh! Grabe si Kuya, ligawan daw ako? Pfft. Pwede naman kaso hindi sa'kin! Hahaha. "Lax asan na naman si Karaleigh?" tanong ko sa kasama kong nagbabasa ng libro.
Kinuha ko ang remote ng TV at nilipat sa ibang channel. "Ang papanget naman." saad ko. Wala kasing magandang pelikula eh.
Naka uwi na pala kami, naalala ko lang ang sinabi ng kaklase kong si Yje.
"Umalis siya, siguro may inorder pa." sagot niya sa'kin.
Umalis? Inorder?
Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Umorder ng alin?" tanong ko. Kung tungkol naman 'yon sa party bukas. Meron na kami nun.
"Outfit." bagot na sagot niya sa'kin.
Tumango ako. Ang dami naman ata niyang inorder. "Ayan na!" tili ko dahil nakita ko na ang magandang pelikula.
"Gaga! Ang ingay mo!" sigaw ni Laxmi sa'kin.
Napanguso na lang ako at hindi na siya pinansin pa.
Nakakaexcite kaya.
Tinignan ko ang relos ko. It's 10 PM in the evening. "Grabe, ang tagal naman ata ng babaeng 'yon," sabi ko at sumilip sa bintana. "Nakakain na tayo lahat lahat wala pa rin siya." saad ko habang naglalakad na papunta sa couch.
Sinilip ako ni Laxmi. "Baka naman may inutos sa kanya s—"
Dali akong pumunta sa kanya at naki upo na rin. "Psh. Edi sana man lang nagsabi siya diba? Jusme! Ang tagal!" maktol ko dahil sa inaantok na ako.
Napakamot na lang ng ulo si Laxmi. "If I were you matutulog na lang ako," sabi niya at tumayo. Tinignan ko lang siyang maglakad papunta sa lagayan ng libro katabi ang cd deck. "We need rest Dexie, alam mo namang may party bukas." sabat niya at naglakad na papunta sa may hagdan.
Napa tingala na lang ako. "Oo nga pala kailangan natin ng beauty rest." natatawang saad ko.
"Edi matulog ka na." rinig kong pahabol ni Laxmi, at tuluyang umakyat papunta sa kwarto niya.
Kinuha ko sa ang cellphone ko sa bulsa ko. Tinawagan ko siya. "Bwisit! Naka off ang cellphone!" sigaw ko. Sinilip ko ang pinto. Wala pa rin ang babaeng 'yon.
Napalundag ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Nasa loob pa rin ako ng kwarto ko at naka pag morning routine na rin pero tinatamad pa akong lumabas. Tinignan ko ang time sa cellphone, 6:47 AM at pinindot na rin ang answer button. "Bakit?" tanong ko at nilagay ang cellphone sa tenga habang inipit sa pagitan ng balikat. Binalik ko ang tingin sa laptop ko.
"Good morning Mich ha." sarkismong saad niya.
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga! "O bakit nga? Napatawag ka?" tanong ko.
Nagpindot naman ako sa laptop. "Balita ko may party daw ang mga Stone." sabat niya pa.
Napatakip ako ng bibig. "Oh my! Hindi pa pala ako nakapag salon!" maktol ko. Tsk! Tsk! Tsk! Kailangan ko pa naman din 'yon.
Narinig kong tumawa siya, at umingay ang nasa kabilang linya. "Pwede ba kaming pumu—" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya.
Inoff ko ang laptop at tumayo na. "Nasa laban na naman ba kayo?" tanong ko habang nililigpit sa lagayan ang laptop.