MT 26

2.9K 64 1
                                    

Cremisi's POV

Nag unat lang ako ng makita sila Dexie na pumasok sa tunnel.

Nakasunod na kami sa kanila kanina pa.

Inayos ko ang mga gamit namin. "Cremisi!" tawag sa'kin kaya lumingon ako.

"Bakit?" tanong ko, at nag ayos ulit ng gamit. Ramdam kong may mabigat na kamay ang pumalo sa ulo ko. "Putangina mo!" bulyaw ko sa kanya habang hinihimas ko ang ulo ko.

"Tanga ka! Tutulungan natin sila." ani ni Ciano sa'kin habang nasa driver seat siya.

Lalong kumunot ang noo ko. "Bakit?" tanong ko.

"Nang mapalapit sila sa'tin." sagot sa'kin ni Ciano.

"Putik," bulong ko. "Ang lalandi ng mga 'yon eh." protesta ko.

Sa dami ba naman ng estudyante ng Italy ay sila pa ang naka uwi dito, at pareho pa sila ng pinapasukan.

Nagkibit balikat lang si Ciano. "Wala tayong magagawa, ganun ang attitude nila." sagot niya sa'kin.

Hindi na ako umimik at si Ciano naman ay inistart na ang sasakyan. "Buti na lang talaga wala dito si Indaco," asik ko ng makapasok na kami sa tunnel. "For sure banas 'yon."

Napangiti ako.

Ayaw pa naman ni Indaco na makatapat ang mga malalandi... dahil isa lang ang gusto niya. Si —

"Pucha!" asik ko ng biglaang preno ni Ciano. "Ano ba!" sigaw ko pa.

Liningon niya ako. "Sshh. Andyan na sila," asik niya at lumingon sa harapan. "Sila na ang lumalapit sa'tin." sabat pa niya.

Lumingon naman ako sa unahan. Nakaharang ang dalawang babae, habang kumakaway kaway pa. Lumabas si Ciano kaya wala na rin akong nagawa kundi lumabas na rin.

Ito ang simula.

Pero bago pa man ako tuluyang lumabas ay chineck ko ang mga gamit. Naka tago na lahat. "Anong problema Miss?" tanong ni Ciano sa babae.

Ang dami nilang pawis. Tch, dahil sa pakikipagbarilan.

Kunot noo akong humarap sa kanila. "Anong nangyare sa inyo Miss?" tanong ko.

Peste! Napasabak pa sa actingan!

Kitang kita ko kung paano sila na tigilan.

Namumukhaan ata kami... psh malamang gwapo eh!

Nakita ko pang inayos ni Fenech ang sarili niya.

Fenech Dee.

"We need help." asik naman ni Asaika.

Tinapik ako ni Ciano. "Ano bang problema Miss?" maang maangan na tanong ni Ciano.

Nakuha pang mangloko. Pasalamat siya umalis na dito sila Dexie.

Tumuro si Asaika sa gilid ng tunnel. " 'Yong van kasi namin... na flat." anas niya.

"O sige itatabi lang namin 'tong sasakyan. Pupunta na lang kami." sagot naman ni Ciano.

Ngumiti si Asaika. "Okay thanks." sagot nila at naglakad na.

Pumasok na ako sa kotse. Ganoon din si Ciano. "Bravo!" asik ko habang pumapalakpak. "Lupit!"

"Gago manahimik ka na." ani Ciano at pinaandar na ang kotse, ginilid.

Matapos nun ay siya na naman ang naunang bumaba. Nagkibit balikat ako.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon