Karaleigh's POV
"Manahimik ka na nga lang dyan!"
"Nagkaganto na nga ang kaibigan niyo hin—"
Tumigil sila sa pagmulat ko. "Bakit?" tanong ko.
Linibot ko ang paningin ko. Andito ako sa clinic! Urgh. Ayoko dito!
Nandito silang lahat!...
"Oh." abot sa'kin ni Dexie ang sala— "Aray ha!" bulyaw niya sa'kin ng hilahin ko siya.
Napairap ako ng wala sa oras. "Bakit hindi mo sa'kin binigay agad?" tanong ko sa kanya.
Lintik na 'to. Makikita pa 'yung mga mata ko.
"Karaleigh are you okay?" tanong ng lumapit sa'kin.
Ngumisi lang ako. Problema nito? "May nakita ka na bang okay na nakahiga sa ganito?" saad ko habang tinuro ang kama na hinihigaan ko.
Napamaang siya sa sinabi ko. "May nagdala lang sa'yo dito, ganyan ka na." ani niya at tumalikod sa'kin. Naglakad pabalik sa kinauupuan niya.
"Fort! Ang arte mo ha!" natatawang sigaw ko.
"Oh okay na naman pala eh, alis na tayo."
Napalingon ako sa boses na iyon. "E sino ba kasing nagsabi na mag antay pa kayo dito. Cliftony?" bara naman sa kanya ni Dexie.
"Tsk." asik niya at tumayo.
Andito talaga silang lahat, sila Fort at Kraven... pero nasa clinic ako diba? Bakit hindi ata ako nahihilo dito?
"May nagdala lang sa'yo dito, ganyan ka na."
"May nagdala lang sa'yo dito, ganyan ka na."
"May nagdala lang sa'yo dito, ganyan ka na."
Napakamot ako sa noo ko dahil bumanda sa tenga ko ang sinabing 'yon ni Fort. "Wait!" tawag ko sa kanila napalingon sila sa'kin lalo na ang palabas ng pinto. "Thank you," asik ko, "Thank you sa naghatid sa'kin dito." sinserong saad ko.
Tumango lang si Jannick bago tuluyang lumabas ng clinic. "Sus..." sabi ni Dexie.
Lumingon ako. "Perché?" tanong ko. Bakit?
Tumawa lang sila. "Bakit?" tanong ko ulit kay Laxmi.
"I dunno." kibit balikat na sagot niya.
Napasinghap na lang ako. "Baliw..." saad ko at sinipa ang isang table.
"What the hel— Nice catch!" sigaw ni Garrett.
Sinalo ko ang mansanas na sinipa ko galing sa table. Don't worry 'yong table ang sinipa ko. Pfft.
Pinagmasdan ko muna ang apple na'to. "Nahugasan na?" tanong ko.
"Oo naman si Fort pa." ani ni Hachi.
Tumango lang ako, hugas na pala eh. Kinagat ko na iyon at kinain na. Pinagmasdan ko lang silang lima.
Good together ha.
"Ano ba kasing nangyare sa iyo?" tanong ni Garrett sa'kin.
Aba! "May nag abang kasi sa'kin," sagot ko. Mga nakatingin naman sila sa'kin. "Look... Marami sila hindi ko kayang lumaban. "
Tumango ang iba sa kanila, sabay pinagmasdan ako. "Really?" tanong nila.
Kumagat ulit ako sa apple. "You think magsisi— Ouch!" bulyaw ko. Sinamaan ko ng tingin si Laxmi ng hatakin niya ang uniform ko!