MT 27

2.7K 56 4
                                    

Dexie's POV

Nakabusangot akong pumasok sa room namin at sinandal ko mukha ko sa arm chair. "Napakadaya," anas ko ng maramdaman kong umupo na sa tabi ko si Laxmi. "Parang sila lang ang nagkakaintindihan eh." asik ko.

"Dexie umayos ka nga." saad ni Laxmi sa'kin.

Tinaas ko ang paningin ko at umayos ng upo. "Asan kasi siya?" tanong ko pa. Kanina pa kasi ako tanong ng tanong kung nasaan na eh.

Napasinghap na lang siya. "Hindi ko alam." sagot niya sa tanong ko.

Napanguso akong humarap sa unahan, marami na ring estudyante. "Alam kong alam mo, ayaw mo lang sabihin." maktol ko.

Bwisit naman oh, porket ba malakas at maingay ang bunganga ko bawal ng sabihin?

"Nakaka-tangina," bulong ko. "Asan nga kasi?" tanong ko na naman.

Hinarap ako ni Laxmi. "Ikaw ha kanina ka pa," inis na sabat niya. "Mula ng maka alis tayo ng bahay ayan na ang mga tanong mo." sabi niya at kinuha na naman ang paborito niyang libro.

Napasubunot na lang ako. " 'Yan tayo eh," asik ko. "Kanina pa nga ako tanong ng tanong hindi mo naman sinasagot."

Napatigil ako ng hinawakan ni Laxmi ang buhok ko. "Look," sabi niya at lumingon sa paligid. Nagsisipasukan na rin ang mga estudyante. "Hindi ko pwedeng sabihin dahil baka madulas na naman 'yang dila mo." sinabi niya iyon sa pagmumukha ko.

Tinapik ko ang kamay niyang nasa mukha ko at tinanggal niya naman iyon. "So..." anas ko. "Hindi niyo na ko pinagkakatiwalaan niyan?" tanong ko.

Nakakatanga.

Napamaang siya. "No!" anas niya at tumayo. "Hindi 'yan ang ibig kong sa—"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Pero 'yon ang pinaparamdam niyo sa'kin." protesta ko.

Acting? Nice one. Magaling ako diyan!

Umupo siya at bumuntong hininga. "Kung sasabihin ko sa iyo, baka ipagkalat mo." sabat ni Laxmi at nagbasa sa libro niya.

Napanganga ako. "An— Hayy lupit niyo." bulong ko na lang.

"You'll find out later." sabat ni Laxmi.

Napangiti akong tumingin sa kanya at nasaktuhan pang dumating ang teacher namin. "Good morning class." pagbati ng teacher namin.

Hindi na ako kumibo pa at nakinig na lang sa teacher namin. Science class kasi ngayon at thanks ghad hindi kami late ngayon.

Wala ba naman si Karaleigh eh.

Napatigil si Ma'am ng may biglang kumatok sa pintuan. Napatunghay ako.  "Naks na late," sabat ko ng makita ang  nasa unahan na pumapasok. "For the first time na late." asik ko matapos makita ang dalawa.

"Kamusta si Mr. Aze?" tanong ni Ma'am sa dalawa.

Napatingin ako sa upuan ng bansot na 'yon! Nakakalungkot din pala ng wala kang kabangayan! "Nasa bahay po nila Ma'am." sagot ni Kraven.

Tumango si Ma'am. "Hayy. Nako talaga." ani ni Ma'am.

Lumingon ako kala Kraven na ngayon ay paupo na sa upuan nila.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon