MT 59

2K 34 0
                                        

Jannick's POV

Tahimik. 'Yun ang nararamdaman ko. Simula ng umalis si Laxmi ay wala ni isa ang nakapagsalita sa'ming lahat.

Hindi ko rin alam ang gagawin ko ng pumunta siya dito. May gusto akong itanong na hindi ko magawa. May gusto akong malaman na siya lang ang may alam. Gusto ko siyang habulin para sana itanong ang lahat ng mga iyon, pero heto ako. Nakaupo at nakatunganga lang kasama ang mga kaibigan niya.

Gusto kong malaman kung bakit bigla na lang siyang hindi nagpapakita. Hindi na rin siya pumapasok sa CStone, matapos ang pag kawala ni Leigh. Masyado niyang pinag aalala ang mga kaibigan niya, lalo na si Leigh.

"Umuwi ka muna..." tumingin ako sa nag salita. Kakapasok niya lang sa kwarto at inasikaso ang dala niya. "Baka hinahanap ka na ng magulang mo. Kanina ka pa nandito." usal niya pa.

Tinignan ko ang taong nakahiga sa hospital bed. Ang tahimik niya tignan, parang walang masamang nangyare. "Sino gumawa nito sa kanya?" tanong ko.

Naaksidente ang dahilan ng mga kasama ko ng tanungin ko sila, pero iba ang pakiramdam ko. Hindi na ako magtataka na isa sila Leigh, Dexie, at Laxmi sa kanila. Magkakaibigan sila kaya hindi na ako magdadalawang isip pa na kasama sila. Dahil ngayon pa lang sigurado na ako.

"Anong sino?" tanong niya pabalik sa'kin.

Nilipat ko ang paningin ko sa kanya. "Sinong may gawa? Kalaban niyo? Kabilang grup—"

" 'Yung pinuno namin."

Gulat ako ng bigla niyang sabihin 'yun, ibinalik ko ulit ang tingin kay Leigh. "S-sinong pinuno?" tanong ko.

Ngumiti siyang umupo sa kabilang sofa. "Hindi mo pwedeng mala—"

"What?!" inis na tanong ko. "Alam ko na naman kung anong meron sa inyo, bakit 'yung pinuno na sinasabi mo hindi mo pa diretsuhin?" inis na tanong ko.

S-sino namang pinuno 'yun?

"Oo, alam mong nasa organisasyon kami. Pero hindi mo kailangang malaman lahat. Labag sa loob namin na sabihin ang meron sa'min," pagpapaliwanag niya at tumingin kay Leigh. "ang sekreto namin, pero dahil kapatid ka ng isa sa myembro, pinagkakatiwalaan ka namin." seryosong usal niya.

Napatingin ako sa kanya at bumuntong hininga. "Yeah. Dahil kay Jaquey..." mapait na bigkas ko.

"Jannick..."

Liningon ko si Fort ng tawagin niya ako. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa napapatawa—"

"Gusto kong sumali sa organisasyon niyo."

Kita ko ang pagka gulat niya na mabilis niya ring nabawi. "A-anong ibig—"

"Gusto kong sumali sa organisasyon niyo. Gusto kong matutunan lahat. Gusto kong makita 'yung pinuno niyo." seryosong sabat ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Fuck! Dila mo naman kasi Nick!

Pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "Hindi pwede."

"A-anong hindi pwede?" tanong ko.

"Maraming proseso, maraming gagawin at hindi mo gugustuhing mangyare 'yun. Naguguluhan ka lang sa ngayon, dahil naiipit ka sa nangyayare. Hindi madaling pumasok sa mundong hindi mo kinalakihan."

"Pag aaralan ko kahit anong gagawin, susunod ako." pageenganyo ko.

"Mahirap pumasok sa isang sitwasyon namin, Jannick. Lahat kami may pinagdaanang hindi maganda, at kung ako si Ate Jaquey hindi kita papayagan kahit na anong mangyare."

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon