MT 43

1.6K 36 0
                                    

>>> Fast Forward <<<

Jannick's POV

Naglakad lang ako. Nakakainis ang araw na'to. Kapit na kapit pa sa braso ko, feeling mo mawawala siya. "Hmmm. Nick sa  timezone tayo." ani niya.

Inis akong lumingon sa kanya. "Tsk. Sabi ko naman sa'yong tigila—"

"Ayaw mo nun? Para 'yong babae naman 'yong naghahabol sa'yo." natatawang saad niya.

Naglakad lang kami at tumingin sa ibang store. "Desperada ka naman ata niyan Vin." diretsong saad ko. At napatingin na lang sa taas ng mall.

Nakakabanas lang isipin na, kahit hindi ko na siya ma...hal ay hindi ko kayang tiisin ang babaeng 'to. Dang!

"Desperada na kong desperad— What the hell!"

Napalingon ako sa kanya nung bumitaw siya sa'kin. May nabangga kami! "I'm sorry."

"What?! Sorry?! Nadumihan mo 'tong damit ko sorry? Damn you!"

Liningon ko ang nakabunggo ni Vin. "Karaleigh." ani ko ng makita siya.

Napatingin siya sa'kin.

Bakit hindi ko maramdaman ang nararamdaman ko pag nakikita— Stupid! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?!

"You know her? Tsk. Nga pala nagkita na tayo dati." sabat pa ni Vin.

Bumuntong hininga ako. "I'm sorry, hindi ko kasi na—"

"Of course you didn't see cause of the stupid glass of yours!"

Napalingon ako kay Vin.

Iba na siya sa akala kong siya.

"Stop it Vin." suway ko. Tsk! Marami ng nakapalibot sa'min at pinagtitinginan kami.

"Why?! Dahil kilala mo siya! Tsk. I knew it." napapailing na sabat ni Vin.

Lumingon ako kay Karaleigh na naka tungo lang.

Problema nito? Iba na naman siya.

"Si-sige aalis na ako!" napatunganga na lang ako ng tumakbo siya at nadaanan pa ako.

What's wrong with her? Dang! I'm curious!

"Tsk! Let's go, bibili ako ng clothes at magpapalit na rin ako." ani ni Vin at hinatak na lang ako.

Nagpahatak ako habang nakatingin sa likuran, sinusulyapan ko si Karaleigh na may kausap na babae. Dalawang babae.

"Let's go! Ang lagkit ko!" bulyaw niya pa.

Napangisi na lang ako dahil natapunan pala siya ng float. Tsk!











"I hate that girl, lagi na lang niya akong binabadtrip."

"May ginawa ba siya sa'yo?" tanong ko habang nasa fitting room siya. Nasa labas ako at nakasandal sa gilid.

"You see it Nick, nakita mo naman na lagi niya kong na— Aish! Nevermind!" bulyaw niya sa loob.

"Lagi?" kunot noo kong tanong.

"Hmmm. Yeah." sagot niya pa.

Napaisip na lang ako. Magkasama kami lagi ni Vin tuwing weekend, at nag gagala. Siguro ito 'yong lagi siyang may mga tapon sa damit. Pfft.

"I like this blouse, it's beautiful right?" napatingin ako sa kanya ng lumabas siya.

Wearing a blue blouse.

"For you? Hmmm. It's fine." sagot ko at umupo na lang sa tapat.

Nakita ko siyang ngumuso. "Bad... Bad boy! You're so— Urgh! I hate you Nick." asik niya.

Ngumisi na lang ako. "You know my answer Vin." seryosong saad ko.

"Psh. Fine, but I'm beautiful at this blouse right?" tanong niya pa at tumango na lang ako.

Hindi naman panget sa kanya ang damit na 'yon, bagay nga sa kanya eh. Pero ayoko ng kino-complimentan siya.

"I'll take it." ani niya ng lumabas siya.

Naglakad kami at pumunta sa cashier, pero ganun na lang ang pag kainis ko ng makita ulit siya. "Tsk. That bitch." bulong niya, pero rinig ko naman.

Kilala ko sa mukha ang kasama niya, pero hindi ko kilala sa pangalan. Asshole!

"Let's go, I don't want to see her face again." anas niya at hinatak na naman ako!

Hatak na naman niya ako!

"Nick." napatigil ako ng may tumawag mula sa likod.

"Who's that?" tanong ni Vin.

Lumingon na lang ako. "Dexie." ani ko.

"She's important to you?" baling sa'kin ni Vin, umiling lang ako. "Eh? Bakit ka niya tinatawag na Nick?" nakataas na kilay na tanong ni Vin.

Tumingin na lang ulit ako.

Kasama niya siguro sila Leigh, kasama ang mga panget na ugok na 'yon!

"Bakit masama bang tawagin siya na Nick?" taas kilay naman na tanong ni Dexie.

Dang! Bakit ba ako naiipit sa ganito!

"Either, kung importante ka sa kanya," sagot nito. "Bakit laging mga naka salamin ang mga naeencounter ko? Nerds day ba?" natatawa niyang tanong.

"Vin..." suway ko.

"Bitch, eh ang haba haba ng pangalan ng lalaking 'yan eh!" bulyaw ni Dexie.

"Who the hell are you to call—"

"Dexie, let's go." napalingon na naman ako sa nagsalita.

Karaleigh.

"Again? You nerds!"

Nakakahiya ka na Vin! Shit!

"Let's go Vin. Umalis na tayo." asik ko.

Ayoko ng makita sila dito! Damn! Lalo na't may kasama siya.

"Wait I just—"

Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin ni Vin, at nauna na akong umalis. "Sa ibang lugar na lang tayo." anas ko.










Someone's POV

May kumatok sa kwarto ko. "Come in," utos ko at ganun na lang ang pag sulyap ko sa kanya. "What do you want?" tanong ko at bumaling ng tingin sa papeles na nasa table.

Ramdam ko ang paglakad niya papunta sa aking harapan. "Bakit kailangan kong magtago sa kanila?" tanong niya.

Sumulyap ako. "Saan? For the Organization?" tanong ko naman.

"Mom... Please," nakikiusap. "You can reveal me anytime, pwede rin naman ako ang magreveal sa sarili ko." tinignan ko siya. Masamang tingin.

"You know the consequences my dear," ani ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa kanya. "And you need to obey me, wait for that time."

"But Mom, I can't. Hindi ko na kayang magtago." sagot niya.

Nilapitan ko siya at hinipo ang mga hibla ng buhok. "I know, just wait until your sweetest day," asik ko. "Let the reporters came for that day." paliwanag ko pa.

"Pero magiging sabay sabay kami."

Tumango ako at naglakad para kumuha ng isang boteng wine. "Just straight with the plan." saad ko.

Ayokong ipakita ang isa sa kanila. Maraming magbabago, at mababago. Hihintayin ko ang pinagkaiba nila.

𝐌𝐲𝐬𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐞𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon