Jannick's POV
Tinignan kong maiigi ang dalawa. "Si Dexie at Laxmi 'yan ah." sabi ko at tinignan ang isa pa.
Sino naman yan? Bakit hindi nila kasama 'yong may asul na mata?
"Si Karaleigh kaya yan?" napalingon ako sa sinabi ni Kraven.
Pinagmasdan ko lang ang tatlong naka talikod na sa'min. Papunta sila sa canteen.
"Hahahahahaha. Loko ka ba Kraven?" natatawang sabi ni Clifton. "You think mag gaganyan si Karaleigh?" saad pa niya.
Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad namin. "Wow! Pre matagal na kayong magkakilala?" sarkistong sabi ni Kraven.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa canteen ay nilibot ko ang paningin ko, "Sino hinahanap mo? Mga nerds ba?" nilingon ko ang nagsalita. Si Kraven.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Bakit ko naman sila hahanapin?" tanong ko pabalik sa kanya.
Hindi naman sila ang hinahanap ko. Si blue eyes lang.
"What the?! Fuck you nerds! Argh!" rinig namin mula sa counter.
"Ano na naman 'yon?" tanong ni Clifton ng umupo na kami sa table namin.
"Yong nerds... nako naman!"
"Ano ba naman 'yan akala ko ba walang mga basura dito?"
"Oh my gosh! Kawawa sila."
Lingon lang ako ng lingon sa pinakakaguluhan sa counter. "Anong nangyayare?" tanong ni Kraven sa isang babaeng katabi namin sa table.
Namula siya. Kinikikig. Psh! "Ahh... may mga ba-bagong ne-nerds kasi pinagkakaguluhan sila ng Trio dito." nauutal na sabi ng babae.
Tinitignan ko pa rin ang mga nasa counter. "Sige, salamat." sabi ni Kraven.
Nagsimula namang pumunta dito ang mga nagbibigay ng mga pagkain sa'min. Pero hindi ko na iyon pinansin pa, at pinagmasdan pa rin ang mga taong nagkakagulo sa may counter.
"Puntahan na kaya natin?" sabi ng katabi ko. Si Clifton.
"Bakit naman?" tanong ni Kraven. Nilingon ko na sila, "Wala dito yung mga nerds." sabi pa niya.
Ay! Tangina! Oo nga pala bagong nerds!
Tumayo si Kraven, "Lika, makikigulo tayo." sabi pa niya. Wala na kaming nagawa ni Clifton at tumayo na rin.
"Ano tutunganga na lang kayo? Mga nerds!" pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Lumapit lang kaming tatlo at lalo namin naririnig ang mga pinagsasabi nila. "Mahal pa'to sa buhay niyo!"
"The hell! Mga slut!"
"Nerds!"
"Umalis na kayo dito!"
"Hindi kayo nararapat sa school na'to!" sigawan ng mga tao.
"At kayo karapat dapat ba kayo dito?" mahina ngunit sapat na para marinig ko. Ang boses na iyon!
Narinig kong tumawa ang mga estudyanteng nasa paligid namin. "Hahaha. Of course, mayayaman lang ang dapat nandito! At kayo?" lumapit na kami at nakita na lang namin sila... "The three of you, are just a trash!" sigaw pa niya. Ang TRIO.
Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Pati siya kasama? "Si Azuka ay isang Trio?" hindi ko na mapigilan, ngunit mahina lamang.
"I think so." sabay na sabi ng dalawa.
